"Cindy can't keep being in the line of fire." Taylor leveled his stare at Marcio Mercader. "Hindi niyo po siya pwedeng isali rito." "Cindy's a woman with a very strong mind. Pero iyan ba talaga ang gusto niya?" demanda sa kanya ni Marcio Mercader. Taylor flattened his hands on Mercader's desk and leaned toward him. "Hindi na po pwedeng malagay sa panganib si Cindy. Alam kong may gumagamit sa kanya para pabagsakin ako." At tila alam na nga niya kung sino ito. Akala ba ni Slater na mautak na ito sa ginawa nito? Na walang makakapansin sa kasinungalingan nito? Dahil sa oras na malaman niya na ito talaga ang dahilan sa lahat ng nangyari kay Cindy, kahit kapatid niya pa ito ay hindi niya ito palalampasin. "Gusto kong iharap mo kaming dalawa ni Slater," demanda ni Taylor. "At gusto ko ring

