Masyadong maingay sa bar na iyon. Sabagay, marami nga namang tao ang naroroon at nagsasaya.
Cindy huffed out a hard breath and pushed her barely sipped drink away. Ilang oras lang ang nakalipas nang magbalik siya sa Makati matapos ang pagtubos nila sa kidnap for ransom na misyon. But for her, it didn't feel like home anymore.
"Ang magandang dilag na katulad mo ay hindi dapat nakaupo rito na nag-iisa." Biglang sabi ng baritonong boses na ngayon ay katabi na niya.
Agad siyang lumingon dito at nakita niya na isa pala itong gwapo at matangkad na lalaki na tila may halong espanyol ang lahi nito. At sure siya na sa bar na iyon halos magkandarapa na ang mga babae roon sa estrangherong ginoo.
Di ba 'yan naman ang pakay mo Cindy, kaya ka pumunta sa bar para makabingkwit ng katulad sa kaharap mong lalaki? Para kasing natengga ang social life niya ng halos tatlong taon. Kaya gusto niya ulit maranasan ang buhay na katulad noon.
Napatingin naman sa drink niya ang mestisong lalaki. "Hindi mo ba nagustohan ang iniinom mo?"
Napapailing siya. "It's not what I wanted."
He pulled up the bar stool next to her, leaned in close. "Bakit hindi mo sabihin sakin kung ano talaga ang gusto mo?"
A stranger, a guy who didn't know her at all, and he looked at her with more warmth than Taylor did.
At bakit naman ang kumag na 'yon ang iniisip ko? Erase! Erase! Erase!
Pilit naman niyang ngumiti sa estrangherong lalaki. Ang kumag pa talaga ang naisipan niya samantalang may gwapong lalaki naman siya na katabi. Gusto niya ulit mamuhay ng malaya siya at 'yong walang iniisip na ibang tao kundi sarili niya. At sa tingin niya iyon na nga ang tamang pagkakataon. "I'm really not sure." Malumanay na pahayag niya rito. Totoo naman ah, hindi nga siya sigurado kung ano talaga ang gusto niya.
Taylor.
Bwesit! Ang kumag ulit ang naisipan na naman niya. Sa tingin niya, kinailangan na talaga niyang mag consider ng ibang pagpipilian.
The guy leaned toward her. "How about we start with a dance, then? Baka makatulong iyon para malaman mo kung ano talaga ang gusto mo."
How long had it been since she'd danced with someone? Ah basta matagal na.
"I'm Cole," Anito at malapad itong napangiti sa kanya. "And I promise, na mabait ako."
As if maniniwala agad siya sa sinasabi ng isang estranghero. Marami namang mababait na tao kuno, pero maitim naman pala ang budhi.
"I'm Cindy." Aniya at tinanggap ang pakikipagkamay ng ginoo. "I guess one dance--"
Naputol bigla ang sasabihin niya nang makita niya kung sino ang lalaki na papasok lamang ng bar. Ang lalaking hindi talaga niya lubos maisip na pupunta roon. At ang lalaking nagmamay-ari ng pares ng mga mata na parang isang mabangis na leon kung tumitig.
Nanigas naman si Cole habang sinusundan nito ang mga titig niya. "May problema ba?"
Yes. No. Maybe. Kung nasa bar na iyon si Taylor, malamang meron itong misyon na isasagawa. Tama, baka may bago nga itong misyon. Wala kasi itong ibang rason upang pumunta roon.
Pero bakit hindi man lang siya tinawagan ni Bryant? Minamatyagan lang kaya siya ni Taylor?
"Akala ko ba nag-iisa ka lang dito." Mahinang saad ni Cole.
"Nag-iisa nga ako." Mabilis niyang tugon habang hindi pa rin binibitawan ni Cole ang kamay niya. Tila bigla naman siyang nakaramdam ng pagkailang, marahil ay dahil iyon sa matalim na pagkatitig sa kanila ni Taylor.
"Kung ganon, bakit ang sama ng tingin sakin ng lalaki na 'yon na para bang kakainin niya ako ng buhay?"
Tama nga ito, lalo na't may maangas na mukha si Taylor na hindi kagaya sa maamo at gwapong mukha ni Cole. Minsan talaga mapagkamalan ang lalaki na hoodlum.
Naku, Ewan! Basta hindi talaga ito pasok sa ideal niya na lalaki.
"Ah siya ba, kakilala ko lang 'yon." Kibit-balikat na tugon niya sa katabing lalaki. "I mean, dati ko siyang kakilala."
Then Taylor was in front of them. "Cindy." Matigas ang pagkakasambit nito sa pangalan niya. Hindi gaya ni Cole na malambing ang boses. Sabagay walang ka lambing-lambing sa katawan itong si Taylor. "Kailangan nating mag-usap."
Misyon na naman? Siguro nga. Napatikhim na lamang si Cindy at napalingon siya kay Cole. "Maari ba kaming mag-usap muna kahit sandali?"
Bahagyang napataas ng kilay si Cole pero napatango rin ito. "Hihintayin kita." Napansin naman niya ang titigan ng dalawang lalaki sa isa't isa na para bang wala sa mga ito ang magpaubaya.
Hindi na hinintay ni Taylor na umalis sa harapan nito si Cole, at sa halip ay mabilis nitong hinablot ang kamay ni Cindy at hinila siya nito papunta sa isang madilim na sulok.
"Ano ka ba, Taylor?" Angil niya rito. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, huh?"
He caged her with his body. "Ikaw, ano ba 'yong ginagawa mo?"
"Umiinom lang, at sasayaw sana." Mataray niyang sagot dito.
His teeth snapped together as he leaned in, even closer. The wooden wall was behind her, and Taylor's muscled form wasn't leaving much space in front of her. "Alam kong alam mo kung ano lang ang habol sayo ng lalaki na 'yon."
Ngunit inignora lamang niya ang sinabi nito. "Ano bang misyon natin ngayon? Bakit hindi man lang ako tinawagan ni--"
"Wala tayong misyon."
Wala na siyang ibang masabi pa. At kung hindi nga misyon ang pinunta ni Taylor sa lugar na 'to, ba't kaya ito naparito?
"Nakikita ko sa mga mata mo." Sabi nito.
"Eh ano naman ang nakikita mo?" Tinarayan niya ulit ito.
Napapitlag si Taylor. "Matapos ang huling misyon natin, alam kong gagawin mo talaga ang mga bagay na 'to." Anito at saka ito napalingon sa direksyon ni Cole.
"Naghahanap ka na ba ng ibang lalaki?" Matigas nitong pang-uusisa sa kanya. "Siya ba ang--"
Her cheeks felt numb. "Wag ka nang magsalita pa ulit." Gigil na gigil na talaga siyang sampalin ito. "Wala kang karapatan na pagsabihan ako, na husgahan ako." Dahil simula ng mawala sa kanya si Slater ay pinutol na rin niya ang ugnayan nila ni Taylor. "Wala na si Slater. Naka moved on na rin ako." Aniya at itinulak niya ng malakas ang lalaki.
Napaatras naman si Taylor sa pagkakatulak niya.
Tinalikuran niya ito at hindi na niya ito nilingon pa.
Cole stood as she approached. "Gusto kong isayaw mo ako." Aniya at mabilis niyang hinila ang ginoo papunta sa maliit na dance floor.
Hindi niya alam kung anong laro ang gusto ni Taylor. Pero hinding-hindi niya ito hahayaan na kontrolin siya.
Naramdaman nalang niya na ipinulupot na pala ni Cole ang mga kamay nito sa beywang niya. Low waist pa naman ang jeans na isinuot niya at medyo midrib din ang suot niya na pang itaas, kaya tuloy naramdaman niya ang paglapat ng mga kamay nito sa balat niya.
At di na lang niya namalayan na naroroon na pala si Taylor sa dance floor. Pwersahan namang hinila nito si Cole papalayo sa kanya.
Nasisiraan na ba ito ng bait?
"Lumapit ka sakin, Cindy." Taylor said in that low growl of his.
Mariin namang napapailing si Cole. "Look, dude, wala akong pakialam kung magkakilala man kayo, wala kang--"
"Magkakilala lang ba tayo, Cindy?" Taylor asked, his voice flat.
Oo naman. Matapos ang bangungot na 'yon tatlong taon na ang nakalipas, iyon na talaga ang naging turing niya rito, isang kaswal na kakilala.
"Hindi ko alam kung sino ka nga," sabi niya rito. "kaya maari ka ng umalis."
"You heard the lady, dude." Pagmamalaking saad ni Cole.
Ngunit hindi man lang gumalaw si Taylor sa kinatayuan nito. At sa halip ay pinukol nito si Cole ng masamang titig.
Napahakbang naman si Cole papalapit kay Taylor at binangga nito sa dibdib ang huli. "You need to back off, dude." Panimula ni Cole.
Letsugas na matigas, nagkamali yata ito ng hakbang.
At sa isang iglap lang namimilipit na si Cole sa sakit dahil sa mabilis siyang ibinalya ni Taylor. Cole's words choked off, and the dancers around them froze as they realized what was happening.
In less than three seconds, Taylor had Cole on his kness...all from that hold that Taylor had on Cole's hand. Cindy knew the twist that Taylor was using could be incredibly painful, and if Taylor just pulled a little more, Cole's bones would snap.
Baka maging isa na naman itong bangungot sa kanya.
"Taylor, bitawan mo siya!" Mabilis niyang inawat si Taylor dahil baka matuluyan pa nito ang lalaki. "Gumagawa ka na ng eksena rito!"
Malakas namang itinulak ni Taylor ang lalaki sa sahig.
Cole scrambled away, eyes wide, cheeks flushed. He headed for the door as fast as he could.
Well, so much for that dance. So much for the whole night. At dahil sa matindi niyang inis sa lalaki kaya mabilis niya itong tinalikuran papalabas sa bar. Sinira kasi nito ang gabi niya. Nasa kamay na sana niya si Prince Charming naging bato pa.
She pushed open the front door, and the night air rushed over her. Cindy took two more steps, then...
Natigilan na lang siya. "Susundan mo ba ako hanggang sa bahay ko?" Dahil alam niyang nakasunod lang ang binata sa likuran niya. Kung ibang tao lang siya, hindi naman niya malalaman na nakasunod lang ito. That was one of the reasons he'd been so good during his time as a SEAL sharpshooter. But she could feel him, so she knew he was following her.
"Kailangan nating mag-usap."
"Akala ko ba wala na tayong pag-uusapan pa."
"What do you want from me?" Walang pag-aalinlangang sabi nito.
Lahat sana. Hmmp...aasa ka lang sa kanya si Cindy. Minsan na kaya niyang ni reject ang beauty mo.
Hinarap niya ito. "I want you to look at me and just see a woman. At hindi 'yong para akong espirito sayo. Na hindi mo nakikita."
Napatiim-bagang ito. "You're pushing me too much."
Napapailing siya. "I'm not pushing you at all. Eh ikaw nga itong pumunta sa lugar namin, at bigla-bigla nalang sumulpot dito sa bar." Frustrated, she demanded. "Paano mo ba nalaman na nandito ako, huh? Sinundan mo ba ako gamit ang GPS location ko?" Lahat kasi silang myembro ng Elite Black Ops ay may naka installed na tracker sa kani-kanilang phone. Dahil kung ginamit nga ng lalaki iyon para ma track siya nito, aba nagiging stalker na niya ito.
Akmang tatalikuran na sana niya ito nang hagipin ni Taylor ang braso niya. He spun her back around and lifted her up on her tiptoes.
"Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Palaging mukha mo ang nakikita ko."
Gosh! Makata na pala ito? Pero teka lang...ba't ambilis yata ng t***k ng puso niya?
"Hindi naman espirito ang nakikita ko kundi ikaw." Anito at napatingin ito sa mga labi niya. "Binaliw mo talaga ako ng todo, taking over every moment of my life."
Halos hindi siya makahinga sa sinabi nito. Dahil kung anuman ang sinabi nito ay 'yon din ang nararamdaman niya para rito.
"I tried to walk away. Pinilit kong maging matapang." Napayuko ito ng ulo. "Pero ayokong makita ka na kapiling ng iba."
Ayaw din naman sana niyang ibang lalaki ang kapiling niya. "Taylor..."
"There are some lines that if you cross them, you can't ever go back."
"I don't want to go back." Wala naman siyang babalikan pa ah.
"Hindi na kita papakawalan pa."
She wouldn't let him go, too. Before Taylor could say anything else, Cindy wrapped her hands around his neck and she pulled his head down toward her.
The kiss wasn't easy or gentle. It was hard and deep - consuming. The touch of his lips sent need spiraling through her. Then she was crushed against him. Holding on as tight as she could as he tasted her, and she tasted him, and all of the longing that she'd held inside so tightly broke from her control.
Si Taylor nga ang kapiling niya. Hindi isang panaginip lang. This was real. And there was no going back.
*****