Cindy swiped her key card over the access panel, and when the lights flashed green, agad siyang pumasok sa maituturing na inner sanctum ni Wesley. Wala roon sa mga oras na iyon si Wesley. Mabuti naman. For sure nakauwi na ito. Kaya oras na para magtrabaho siya at tuklasin kung ano talaga ang nangyayari sa sistema nila. Umupo na siya sa swivel chair ng lalaki, tas agad niyang sinimulan ang pagtitipa sa keyboard nito. Subalit hindi niya mabuksan ang monitor nito. Wesley had installed extra protection on his computer. Good for him. Maliban na lang dahil naroon siya noong mga panahon na nilagyan nito ng proteksyon ang computer nito. Palihim kasi siyang pumwesto sa likuran nito upang silipin ang code na ginawa nito, dahil alam niya na balang araw ay magagamit din niya ito. At heto na nga

