Chapter 4

1999 Words
Ang tunog ng cellphone ang nagpabalikwas kay Cindy sa pagbangon. Awtomatiko namang hinagip ng dalaga ang cellphone niya na nasa ibabaw lang ng nightstand. Ngunit sa halip na cellphone ang mahawakan niya ay isang matigas na kamay ang nadampian ng kanyang balat.   Hindi! Panaginip lang 'to.   Idinilat niya ang mga mata at sumalubong sa kanya ang madilim na aura ni Taylor. Na tila hindi yata ito nakatulog buong magdamag.   Then he reached out and grabbed the ringing phone from her nightstand. Wala itong imik na ibinigay sa kanya ang cellphone.   "Hello?" Mahigpit naman ang pagkakahawak niya sa aparatu. At naramdaman na lang niya na hinahaplos ng lalaki ang braso niya.   Nanindig tuloy ang lahat ng balahibo sa katawan ni Cindy lalo na nang maalala niya ang nangyari sa kanila ni Taylor kagabi. At ang mga ginawa ng lalaki sa kanya. Pati na rin ang mga ginawa niya sa lalaki. s**t na malagkit, pano na 'to?   "Cindy?" untag ni Bryant sa kabilang linya. "Ayos ka lang diyan?"   She shot up in bed, clutching the sheet to her chest. "A-ayos lang ako. Ahm...medyo inaantok pa kasi ako eh." Ngunit ang kumag na Taylor ay hindi man lang tumigil sa paghaplos sa kanya. Ang matindi pa ay hinahalik-halikan nito ang shoulder blades niya. Nanginginig tuloy ang buong kalamnan niya.   "Look, I know you were due to have a few weeks off, but we've got a case that we can't refuse. Napa booked na pala kita sa flight papunta sa Basilan ngayong alas tres ng hapon."   Basilan?   "Tatawagan ko pa sina Taylor at Edrian. Doon na lang kasi tayo magkita-kita sa airport."   Pwede kong sabihin kay Taylor ngayon. Nasa tabi ko lang naman siya eh, hubo't hubad at hinahalikan ako. Tumikhim na lamang siya. "What's the case?" hindi na kasi siya nakabalik pa ng Basilan simula no'ng mangyari kay Slater. Dahil para sa kanya ang lugar na 'yon ay para na ring libingan niya.   "May binihag na naman kasi ang mga bandido."   So panibagong hostage rescue ang misyon nilang ito? Sabagay, iyon naman talaga ang expertise ng team niya.   "Kailangan niya tayo," sabi ni Bryant. "So be on that plane."   "Okay, pupunta ako." Paanas niyang sagot dito na tila nag-aalangan siya, at saka niya sinabi na, "Now hold on, ipapakausap muna kita kay Taylor."   Nagulat naman si Taylor sa pahayag niya. Alam kasi niya na matindi na talaga ang pamumula sa mukha niya sa mga oras na iyon. Pero hindi iyon ang oras para magtago ng sekreto. They had a case to work. At kung buhay ng isang sibilyan ang pag-uusapan, hindi na dapat ikahiya pa ang sitwasyon nila.   Taylor took the phone from her but didn't look away from her eyes. "Si Taylor 'to."   Panandaliang namayani ang katahimikan. Then Cindy rolled away from Taylor and climbed from the bed before she could overhear Taylor's response to the discovery that Taylor was so close she could just, ahem...   Dali-dali naman niyang kinuha ang bathrobe at sinuot ito. But her body ached in a way that felt so good, and she hated that their time together was already ending.   No, hindi pa naman ito ang huli. Ito pa lang ang simula.   "Pupunta ako roon." Narinig niyang sabi ni Taylor. She looked up as he ended the call.   Gosh! Wala pa yata siyang nakikitang lalaki na kay sexy tumingin gaya ng kay Taylor. Sabog man ang buhok nito ngunit di pa rin maitatanggi ang s*x appeal nito. At sa tingin niya mas pogi nga ito kapag merong maliliit na tumutubong balbas sa panga nito. He looked so manly.   "We have at least seven hours." Sabi sa kanya ni Taylor.   Seven hours? Napatango na lamang siya.   "Yeah, kaya may sapat na oras pa tayong dalawa. I want you."   Her fingers clenched around the belt of the robe. "Again?"   "As always."   Eh di go! Ba't pa ba siya mag-iinarte, di ba?   She dropped the robe and climbed back in bed with him. Anyway, malayo pa naman ang pitong oras. This was the perfect timing. At ito rin ang ninanais niyang mangyari.   This time, positibo siya na hindi na mauulit pa ang nangyari kay Slater noon. Malakas ang pananalig niya na hindi mawawala sa kanya si Taylor, gaya ng pagkawala sa kanya ni Slater.   Taylor's lips pressed to hers, and she shoved away the fear that wanted to rise within her.   Basilan. Ang huling beses na pumunta siya sa Mindanao ay namatay ang taong pinakamamahal niya.   It won't happen this time. It won't. Tuluyan na siyang naka move-on dahil kay Taylor. Kaya hinding-hindi na niya hahayaang mangyari pa ulit 'yon.   -----   Tinitigan lang ni Bryant ang cellphone na nasa kamay niya. So ibig sabihin magkasama ngayon sina Taylor at Cindy?   He'd seen the s****l awareness between the two of them. At napapansin din niya na mukhang may pagtingin si Taylor kay Cindy. Hindi nga lang makaporma si Taylor dito. Nag-aalangan siguro ito dahil si Cindy ang mapapangasawa sana sa kapatid nitong si Slater. Pero mukhang si Taylor na mismo ang sumira sa pangako nito.   Bryant tossed aside the phone and stared at the photographs in front of him. Baka nagkamali lang yata 'yong informant nila. Baka nga.   Hindi lang naman kasamahan niya sa trabaho si Taylor, kundi kaibigan din niya ito. Gaya niya, marami na rin itong pinagdaanan sa buhay kaya ang tanging hangad niya na lumigaya ito.   Pero kung tama nga ang informant nila - paniguradong masasaktan talaga ng husto ang kaibigan niya.   "Sige lang, enjoy her while you can." Paanas niyang sabi sa sarili. Dahil iyon ang mas kailangan ngayon ni Taylor. Isang magandang alaala na panghahawakan nito kapag dumating ang oras na kailangan nitong bitawan ang mga bagay na hindi nakalaan para rito.   -----   Zamboanga was just hot and beautiful and wild as Cindy remembered. When the plane touched down, the heat was the first thing to hit her. Sabagay, tag-init din naman sa mga panahong 'to.   Nauna lang ng konting oras ang eroplanong sinakyan ni Edrian kaya ito ang unang nakarating sa paliparan. Sabay naman silang dumating ni Taylor kasi sabay din ang flight nila.   To any onlookers, they probably looked like a vacationing couple.   Iyon din kasi ang kasalukuyang cover nila. Mag jowa sila kumbaga. Maraming beses na naman silang nagpanggap na mag couple, ngayon lang naulit.   Only this time, mukhang may namamagitan na sa kanila at ewan lang niya kung ganon din ang iniisip ni Taylor sa relasyon nilang dalawa.   When they entered the airport, Edrian approached them with a broad grin. Again, another cover. The reuniting friends. He slapped Taylor on the back and hugged Cindy.   "Ready?" Edrian asked quietly, keeping his smile in place.   Sabay na silang lumabas sa airport saka si Edrian ang bumuhat sa kanyang luggage at ipinasok na ito ng lalaki sa nakaabang nitong sasakyan.   Sa passenger seat siya sumakay at si Taylor naman sa back seat. In the moment, Edrian was driving them away from the airport.   "Nasaan si Bryant?" Takang tanong sa kanila ni Taylor. "Akala ko ba sa airport tayo magkikita-kita."     "May ginagawa kasi siyang recon." Tugon pa ni Edrian na nakapokus pa rin sa kalsada. Edrian was an ex-Army, one who'd actually been targeted by the Elite Black Ops for takedown.   He'd been framed for the murders of three Black Elite Ops agents. Subalit napatunayan ni Edrian na inosente nga ito sa paratang dito. Kaya nga ito kinuha ni Bryant sa team nila dahil bukod na kaibigan ito ng team leader nila, alam niyang matapat at maaasahan din itong si Edrian sa anumang laban.   "Nakita mo na ba ang larawan ng target?" tanong niya kay Edrian. Pilit naman niyang ini-ignore si Taylor na nasa likuran lang niya.   Mygad! Kung iisipin lang niya ang nangyari sa kanila kagabi...pero totoo kaya na nangyari 'yon? Hindi kaya isa lang 'yong panaginip?...Isang erotic na panaginip?   Hindi naman siya makatiis na hindi lumingon kay Taylor. At sumalubong agad sa kanya ang madilim na aura ng lalaki na nakatitig sa kanya.   There was such heat in that gaze. She swallowed and forced her eyes away from him as Edrian said--   "Hindi pa, wala pa akong visual sa taong 'yon. I just know that the order for extraction came down from the top."   Nasilayan naman niya ang biglang pagngisi ni Edrian. "Mukhang mas priority yata ni bossing ang misyon na 'to, at gusto niyang tayo pa mismo ang gumawa sa extraction."   Bukod sa kanila may apat na team pa kasi ang Elite Black Ops. Kaya nga siya nagtataka kung bakit sila mismo ang pinili ng kanilang superior. Eh hindi pa nga tapos ang binigay nitong break sa kanila.   Sabagay, nasa kanilang grupo ang magaling na marksman- si Taylor.   Taylor was especially good at being a shadow. If Taylor didn't want you to know he was there, you wouldn't. Taylor was the best sharpshooter she'd ever seen, even better than Slater.   Slater.   Naalala tuloy niya ang nasawing kasintahan kung saan naroon din sila. That knowledge was sitting heavily on her now that she was back in the place.   Ilang beses ng sinubukan ng Black Elite Ops na e-recover ang bangkay ni Slater ngunit hindi na nila ito nakita pa. Sabi kasi ng source na tinangay daw ito ng mga bandido at sinunog. Despite the efforts of Black Elite Ops, they hadn't been able to bring him home.   Binigyan naman nila ng desenteng libing si Slater, bilang pagpapahalaga rito na isang magiting na mandirigma.   "Sinabi sakin ni Bryant na nakapunta na raw kayo sa Basilan dati." Sabi sa kanya ni Edrian.   Tumikhim siya. "Yes...a few times."   "Sinabi rin sakin ni Bryant na sa isang resort tayo tutuloy. Ikaw at si Taylor ay magpapanggap bilang mga bagong kasal na nagha-honeymoon."   Tama, hindi lang naman puro pagkukubli na lang ang gagawin nila tuwing meron silang mga misyon. Blending in plain sight could work so much better. Alam na alam ng Black Elite Ops 'yan.   "At ako naman 'yong chipipay at single niyo na kaibigan na mag-isang nag e-enjoy sa R & R ko."   "Kailan ba 'yang gagawin nating extraction?" sabad pa ni Taylor. His fingers were on her back. Na tila ba pinaglalaruan nito ang dulo ng buhok niya.   "Sabi ni Bryant na kailangan nating madaliin ang misyon na 'to. Dapat daw mailigtas natin ang bihag sa loob lamang ng bente-kwatro oras."   Napatango si Cindy. Sana lang kasama rin nila si Bryant para magagawa niya ng hiwalay ang trabaho niya. She could uplink to satellites and get aerial maps of the area to find the best places for them to venture in as they started the rescue operation. As long as she had a good computer and the necessary uplink, she'd be able to access anything that the team needed. Tech had always been her specialty.   Hanggang sa lumiko na 'yong sasakyan nila papasok sa isang resort. Napangiti naman si Cindy nang maisip niyang magpapanggap pala silang honeymooner ni Taylor. Dahil kahit anumang role ang ibibigay sa kanya kung ang lalaking nagugustohan naman niya ang kasama, aba'y pag-iigihan talaga niya.   Oo, masaya talaga siya na kasama niya ngayon si Taylor kahit pilit pa nanumbalik ang masakit na nakaraan. Basilan had been a nightmare for her once, pero hindi na iyon mauulit pa.   Mabilis namang sumalubong sa sasakyan nila ang isang valet. Unang bumaba si Taylor saka inalalayan siya nito sa pagbaba. His hand curled around hers, swallowing her fingers. His hold was strong and possessive. At ang hindi niya inasahan ay ang mabilisang paghalik nito sa mga labi niya.   Was that for show?...or was that something more?   Napansin naman niya ang kumag na Edrian na tawa ng tawa.   Sana nga naging totoo na lang ang lahat ng ito. Na totoong honeymooner nga sila ni Taylor.   Hindi! Dapat niyang isaisip na parte lang talaga ito sa kanilang misyon. Isang rescue operation sa isang sibilyan na kailangan nilang iligtas.   Naramdaman na lang niya ang pag-akbay ni Taylor sa balikat niya habang iginiya siya nito papasok ng resort. Huminga siya ng malalim at naisip niyang pag-iigihan na lamang niya ng mabuti ang nakaka-excite na role.   *****    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD