Tainted Hearts 21

2145 Words

Nasa likod ko ang hawak na kutsilyo nang bumungad ang demonyong ngisi ng dating kinakasama ni mama. Ang kasama niya ay inikutan ng tingin ang buong bahay. "Big time pala ang pamilya mo, Amel," hupak ang magkabilang pisngi nito at mapula ang mga mata. "Ang tagal ko kayong hindi nakita, ah! Hindi n'yo ba ako yayakapin?" Tumawa si Amel. Nang maglakad sila palapit sa sala, tinulak ko sa gilid sila mama. Para ako ang mas malapit kina Amel at bago maabot ang mga bata'y dadaan muna sila sa akin. "Paano mo nalaman ang tinitirhan namin?" "Bakit? Papaalisin mo ako? Pamilya ko kayo kaya dapat dito rin ako nakatira!" "Hindi ka namin pamilya!" Humalakhak siya at tiningnan ako ng masama. "Ikaw naman! Nakasungkit ka lang ng boyfriend na mayaman yumabang ka na!" Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD