(TH) Chapter 18 Nagloading ako at matagal bago nag-connect ang sinabi niya sa isip ko. Unti-unting nalusaw ang ngiti ko habang tinatanaw ang papalayo na sasakyan niya. Hindi ko na iyon mahahabol at hindi na maitatanong kung seryoso ba siya. Nakalabi ako habang patungo sa susunod na klase. Itatapon niya ba talaga? Hindi ba sayang iyon kung itatapon lang? Hindi ko pa alam kung totoo, nanghihinayang na ako. Pagkatapos ng klase, nakaabang ang masungit na lalaki sa labas. Nakasuot siya ng salamin at nakahalukipkip habang nakasandal sa gilid ng sasakyan niya. Nakaitim na pantalon, puti na t-shirt, at demin jacket. As usual, he's wearing his gold personalized bar necklace. Pinaglalaruan ko iyon minsan tuwing magkatabi kami. Hanggang dibdib niya iyon kaya gustong gusto ko na hinahawakan. Kapag

