CEBU – 2 MONTHS OF HIDING “Ma’am, ito po ‘yung final layout for the event backdrop.” Napatingin ako sa screen ng laptop na iniharap sa akin ng junior designer. Simple, clean, elegant—exactly what I wanted. “Change the font. Masyadong stiff. Gusto ko softer, more welcoming. Gamitin mo ‘yung mockup ko kahapon as reference.” “Yes, Ma’am Isa.” Isa. That was my name now. Hindi na Isabella Santiago. Hindi na anak ng tycoon. Hindi na ang babaeng laging laman ng society pages. Dito sa Cebu, kilala lang ako bilang Isa Ramirez—freelance creative consultant. Walang pedigree. Walang pressure. Walang past. And for once… I could breathe. FLASHBACK SMALL CREATIVE STUDIO – LAHUG, CEBU Nakahanap ako ng maliit na branding agency online. Hindi siya sosyal. Wala siyang marble floors or glass walls.

