Manila – A Week Before She Left Ulan ang bumuhos nang gabing iyon. Mabigat. Malamig. Parang kasabay ng pagbigat ng dibdib ni Bella. For days, halos hindi na siya kumakain. Lagi siyang tulala. Pagod ang katawan, pero ang utak niya? Gising. Umiikot. Parang isang sirang plaka na paulit-ulit ang parehong tanong: Paano ko palalakihin ang anak ko sa ganitong gulo? And then it happened. Bagsak siya sa sahig ng kwarto nila. Nanginginig. Namumutla. Nahihirapan huminga. Napasigaw ang katulong. “Ma’am Bella! Ma’am Bella!” Hospital – Emergency Room Dumating ang ambulansya. Sumisigaw si Elena. “Anak ko! Anak ko!” Carlos was pale. Galit. “Ano’ng nangyari?! Bakit hindi niyo agad dinala?!” Dominic? Nakaalis siya that afternoon—business meeting sa Makati. Pero pagdating ng tawag na naospital si B

