Nasa baywalk kami ng Port de Javel sa Paris, isang tahimik na parte ng city na madalas hindi pinupuntahan ng turista. Gabi. Mahinang hangin. May jazz music sa background mula sa isang street performer nearby. Isa was giggling as she chased the bubbles coming from a small toy Dominic bought earlier. Simple lang ang gabi pero ramdam ko—may binabalak siya. “Bakit tayo nandito?” tanong ko, halos pabulong, habang hawak ang kamay niya. He smiled, that old mischievous glint returning to his eyes. “You’ll see.” Hinila niya ako palapit sa isang private na bangka na naka-dock sa gilid ng Seine. May maliit na table set up, may fairy lights na umiilaw mula sa canopy. There were petals scattered on the surface. Isa stood in the middle of it all, may hawak na maliit na box. Napakunot noo ako. “Dom…”

