Chapter 11

3262 Words

Pagkagising ni Bella, agad siyang napapikit muli. Parang gusto na lang niyang bumalik sa panaginip—dahil sa panaginip, hindi siya umiiyak sa guilt. Sa panaginip, hindi siya nahuhulog sa isang lalaking hindi niya dapat hinayaan. Pero totoo na. Totoong nangyari ang lahat kagabi. Ang mga kamay ni Dominic sa ilalim ng palda niya, ang ungol niya sa loob ng kotse, ang titig nitong puno ng pag-aangkin. At masakit aminin—ang sarap na naramdaman niya. Pero ngayon… wala na ang init. Ang natira lang, lamig. Lamig sa dibdib, lamig sa kaluluwa. "Ano 'tong ginagawa ko?" Umupo siya sa kama, nakadukot ang mukha sa palad. Ramdam niya pa rin sa pagitan ng hita niya ang kaunting kirot—paalala ng sarap na hindi dapat. Paalala ng sarili niyang pagkatalo. Tumayo siya. Nagtungo sa salamin. Tiningnan ang sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD