Chapter 10 -Edison- Halos dalawang buwan na rin ang lumipas mula ng umalis si Whanlayn, ang sabi nito ay ilang linggo lang s’yang mananatili sa ibang bansa para sa gaganaping event na meron siya doon pero umabot n arin ng buwan ang naging paghihintay ko sa kanya. Miss na miss ko na ang babaeng ito, kaso hindi ko naman alam kung sang bansa ito naroroon madalas kasi nitong natatakasan ang bantay na inilaan ko para dito, hindi ko alam pero grabe ang galing pagtago ng isang ito. Naka balik na rin naman ako sa duty kahit papaano, minsan masakit pa rin ang sugat ko dahil kahit ilang buwan na rin ang lumipas ay sariwa pa rin ang sugat nito sa loob, pero wala iyon sa akin dahil ok lang na ako ang masaktan kaysa ang babaeng mahalaga sa buhay ko. Kasalukuyan akong nasa office at maraming inaayos n

