C23 TSW JEZZ POV “Caleb, nasan na pala si Katya?” tanong ko sa kanya, habang nakaupo siya sa sofa at nakaharap sa kanyang laptop. Dati ko pa sana siya gustong tanungin tungkol kay Katya, dahil simula ng pumunta ako sa kanyang office ay hindi ko na siya nakikita. “I don’t know,” aniya, kaya lumapit ako sa kanya. “M-matagal na ba siyang umalis sa bilang secretary mo?” ani ko habang umupo sa kanyang tabi. “Yeah, when your gone, she’s gone too,” “B-bakit siya umalis?” takang tanong ko naman sa kanya, dahil ang alam ko mahal na mahal niya ang kanyang trabaho. “I punish her, because she is the reason why you left,” aniya habang tumingin sa akin. “S-sorry, tinulungan lang naman niya ako, dahil naawa siya sa akin Caleb,” ani ko sa kanya. “A-anong ginawa mo sa kanya?” tanong ko ulit dahil

