C10
“Tama na po ito Manang,” ani ko.
“Ma’am Jezz, hinahanap po kayo ni Sir Caleb.” wika ng isang katulong kaya agad akong tumayo at iniwan ang aking pagkain.
“Saan ka galing?” kunot-noo niyang wika.
“K-kumain,” sambit ko. napapitlag naman ako ng hampasin niya ang mesa.
“Sinabi ko bang kumain ka na?” sigaw niya sa akin.
“S-sorry,” iyak kong wika sa kanya, dahil sa takot. Ramdam ko kasi ang kanyang galit at alam kong sasaktan na naman niya ako. hindi ko rin napigilang mapasigaw ng lumapit siya sa akin. Kahit hindi niya pa ako sinasaktan.
“Bullsh!t! why are you shouting?” sigaw niya. itinaas ko naman ang dalawa kong kamay at hinarang sa aking mukha.
“S-sorry na please! Huwag mo na akong saktan,” wika ko habang humihikbi.
“Ayaw mong masaktan?” aniya na ikinatango ko.
“Bakit hindi mo ako sinusunod!” sigaw niya ulit sa akin. Habang nanginginig akong tumingin sa kanya.
“Fix yourself at dalhin mo ang mga gamit ko.” aniya kaya mabilis akong umakyat at kinuha ang briefcase niya.
Nang makababa ako ay agad akong sumunod sa kanya sa parking lot. Binuksan ko ang pinto ng kanyang kotse at nilagay ang kanyang briefcase.
“S-sasabay pa rin ba ako sa’yo?” mahinang tanong ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako ng masama kaya mabilis akong pumasok sa loob ng kanyang kotse.
Nang buhayin niya ang makina ng sasakyan ay mabilis kong ikinabit ang seatbelt.
Hindi ko rin mapigilang napapikit dahil sa bilis niyang magpatakbo na para bang siya ang may-ari ng daan.
Nang makarating kami sa kanyang office ay parang naiwan ang kaluluwa ko sa kanyang kotse.
“Hindi na kita nakita kagabi Jezz.” wika ni Katya ng makaupo ako sa aking table.
“Pasensya ka na inutusan pa kasi ako ni Sir.” sagot ko sa kanya.
“Alam mo, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala ng sampalin mo ang girlfriend ni Sir Caleb.” mahabang wika niya sa akin.
“Nabigla rin kasi ako.” sagot ko sa kanya.
“Sabagay, siya rin kasi ang nauna.” hindi na lang ako sumagot sa kanya at binuksan ang computer.
“Alam mo ang pogi ng pinsan ni Sir Caleb, dumating siya kanina.” kinikilig niyang wika sa akin. Hindi ko na pinansin si Katya at nag focus na lang sa aking trabaho.
Lumipas ang ilang oras at dumating ang lunch break, hindi ko rin mapigilang matuwa ng hindi ako pinatawag ni Caleb, dahil sa tuwing malapit siya sa akin ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot sa kanya.
“Is Caleb is there?” tanong ni Grace, kaya agad akong nagtango sa kanya. Pansin ko naman ang sama ng titig niya sa akin kaya yumuko ako.
“Maldita talaga ‘yang girlfriend ni Boss.” wika ni Katya ng pumasok si Grace sa loob ng office ni Caleb.
“Bagay naman sila,” ngiting wika ko habang umupo sa aking upuan. Lagi ko ring pinag-darasal na sana mag file ng divorce sa akin si Caleb para makalaya na ako sa kanya.
“Hi!” Napa-angat ako ng tingin ng marinig ang isang baritong boses. Hindi ko rin maiwasang mapatitig sa kanya dahil sa ganda ng kanyang ngiti. Pogi rin siya at ang lalim ng kanyang dimples.
“Are you new here?” wika niya na agad ko namang ikina-tango.
“Really? mapapadalas na yata ako rito,” ngiting wika niya. agad naman akong napalingon ng marinig kong may tumikhim. Nakita ko naman ang madilim na mukha ni Caleb habang nakatingin sa akin.
“What’s up Bro, you didn’t say you had a beautiful assistant.” wika niya sabay kindat sa akin, kaya kumunot ang aking noo habang nakatingin sa kanya.
“She’s mine.” wika ni Caleb kaya napatingin ako sa kanya. Pansin ko naman ang gulat sa mukha ni Grace at ng lalaking nasa harapan ko.
“Tsk. I think she is your new toy.” natatawa na wika ng lalaki.
“Yeah,” sambit ni Caleb habang lumapit sa akin.
Yumuko ako habang nasa tapat ko na si Caleb, alam kong nakatitig siya sa akin kaya hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya.
“Kiss me.” maawtoridad niyang utos kaya napatingin ako sa kanya.
“Bro, tinakot mo yata,” tawa niya ulit na wika.
“Are you deaf? Or you want me to hurt you again.” wika niya sa mahinang boses. Pero halatang galit na ito sa akin. Hindi ko naman mapigilang lingonin si Katya na nakayuko rin.
“Ayaw mo.” aniya kaya mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi.
“You think I’m a kid?” aniya kaya napatingin ulit ako sa kanya.
“Babe. Let’s go.” wika ni Grace habang hinila si Caleb.
“Kapag nagsawa ka na sa kanya, pwede mo siya ibigay sa akin,” wika no’ng lalaki kaya hindi ko mapigilan ang inis ko at nasampal ko siya sa kanyang pisngi.
“Bastos ka.” madiin kong wika sa kanya, habang naglandas ang aking mga luha. Baliw ba siya. bakit naman ako papayag na ibigay sa kanya. Pansin ko naman ang pagkagulat sa kanyang mukha pati na rin si Caleb.
“Hey! Woman ang lakas ng loo-. Oh sh!t!” sigaw niya ng tinadyakan ko siya sa gitna ng kanyang hita. Mabilis naman akong tumakbo dahil sa takot. Habang naririnig ang pagtawag sa akin ni Caleb.
Nang makarating ako sa elevator ay agad akong napahinto ng nasa baba pa lang ito.
“Try to run again and I will kill your family.” Napalingon ako ng marinig ang boses ni Caleb. Nang magka-salubong ang aming mga mata ay nakaramdam agad ako ng takot dahil nanlilisik itong tumingin sa akin.
“C-Caleb, huwag mo naman idamay ang pamilya ko,” iyak kong wika sa kanya.
“Kung ayaw mong madamay sila huwag mo akong galitin at huwag mong subukang tumakas. Dahil kapag lumabas ka ng building na ‘to. patay lahat ng pamilya mo. Naintindihan mo?” mariin niyang bulong sa aking tainga, habang hinahawakan na ako sa braso. Panay pa rin ang agos ng aking mga luha habang pabalik kami sa kanyang office, hindi ko rin maiwasang matakot lalo sa kanya. Alam kong galit na galit siya pati na rin iyong lalaking bastos kanina, kaya hindi ko maiwasang manginging habang hawak niya.
Nang makarating kami sa floor ng kanyang office ay yumuko ako dahil ayaw kong tingnan ang lalaki kanina pati na rin ang girlfriend ni Caleb. Hindi naman ako natatakot sa kanila, tanging kay Caleb lang ako natatakot dahil kaya niyang saktan ang pamilya ko, hindi bali na na ako ang saktan niya huwag lang sila.
“Ang lakas naman ng loob mong tadyakan akong babae ka.” narinig kong wika niya sa galit na boses.
“Ang bastos mo kasi, ano bang akala mo sa akin? laruan?” mahina ko namang sagot dito habang nakayuko.
“Nice Bro, mukhang palaban ang isang ‘to,” aniya habang tumawa. Tsk baliw din yata ‘to katulad ni Caleb.
Hindi naman sumagot sa kanya si Caleb at bigla na lang niya akong hinila papasok sa loob ng kanyang office kaya lalo akong natatakot, dahil alam kong sasaktan na naman niya ako.
“C-Caleb, h-huwag m-mo akong s-saktan,” ani ko habang papalakas na ang aking paghikbi, dahil sa takot sa kanya. Nilingon niya naman ako at binitawan.
“Takot kang masaktan, pero bakit ka tumakbo!” sigaw niya sabay tulak sa akin. kaya napaupo ako sa sofa, agad naman akong tumayo at sumiksik sa gilid, habang nanginginig sa takot.
“Ayaw mong lumapit sa akin?” aniya, kaya lalo akong sumiksik sa gilid ng sofa.
“Isa!” sigaw niya.
“Ayaw mong lumapit?” wika niya ulit.
“Caleb! Hindi naman ako tatakas sa’yo, takot lang ako kanina,” iyak kong wika sa kanya habang tiningnan ko na siya na nakatayo habang nakatingin sa akin.
“Tapos. Ayaw mong lumapit sa akin? kapag ayaw mong lumapit ipapatay ko ang kapatid mo.” aniya, kaya mabilis akong lumapit sa kanya.
“Tsk.” sambit niya sabay hila sa aking braso, at kahit nasasaktan ako ay hindi na lang ako nag-likramo sa kanya, dahil baka magagalit siya ng husto at gagawin niya ang sinabi niya.
“Gusto mo bang mabalian ng buto?” tanong niya, kaya napa-atras ako, siguro gagawin niya talaga iyon sa akin. pero handa na ako kung ano ang gagawin niya, huwag lang niya saktan ang family ko. hindi ko naman napigilan ang lalo pang panginginig ng aking katawan dahil sa takot kaya unti-unti na lang dumilim ang aking paningin at ramdam ko naman ang mga bisig na sumalo sa akin.
Nang magising ako ay bigla akong napabangon ng makita kong nasa ibang salad ako, at habang nakaupo ako sa kama ay na-patingin ako sa paligid, kaya napagtanto kong nasa silid ako ni Caleb dito sa kanyang office. napatingin din ako sa aking katawan kung may bago na naman ba akong pasa dahil galit na galit sa akin si Caleb kanina. Nang makita kong wala akong pasa ay nakaramdam naman ako ng saya, dahil akala ko sinaktan niya ako habang nawalan ako ng malay kanina. Tatayo na sana ako para lumabas pero biglang bumukas ang pinto at pumasok si Caleb. Hindi ko naman maiwasan na titigan ang kanyang mukha habang kunot ang kanyang noong tumingin sa akin.
Dahan-dahan naman akong bumaba ng kama at tumayo sa gilid ng makalapit na siya sa akin. nakayuko lamang ako at hindi ko na siya tiningnan pa.
Napansin ko naman na umupo siya sa kama, kaya umatras ako sa malapit sa pader.
“Bakit ka tumayo?” tanong niya sa akin habang sinimulan ko na namang kagatin ang aking mga kuko sa takot sa kanya.
“N-nakapagpahinga na n-naman ako,” mahina kong sagot sa kanya.
“Sit down.” wika niya kaya nag-angat ako ng mukha. Mabilis naman akong umupo sa dulo ng kama at medyo malayo sa kanya, baka kasi magalit siya kapag tatabi ako sa kanya.
“Why are you far wife?” aniya, kaya bigla akong napatingin sa kanya, t-tinawag niya ba talaga akong a-asawa?
Hindi ako umimik sa kanya, dahil baka mali lang ang pandinig ko.
“Nagugutom ka na ba?” tanong niya sa akin, kaya umiling ako sa kanya. Hindi pa rin naman ako nakaramdam ng gutom. Pero bakit p-parang bumait siya sa akin? nagbago na kaya siya. tanggap na kaya niya ako?
“Come here!” wika niya kaya napatingin ako sa kanya.
“Stop biting your nails Jezz.” wika niya kaya napatingin ako sa kanya.
“H-hindi ka g-galit?” utal kong tanong sa kanya.
“Bakit? Gusto mo bang magalit ako?” mabilis naman akong umiling sa kanya.
“Good, come here.” aniya, kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
“Sit on my lap.” utos niya, kaya umupo ako sa kandungan niya.
“Hmmp! You smell good wife,” bulong niya sa aking tainga habang isinubsob sa aking lee gang kanyang mukha. Bigla naman akong nakaramdam ng libu-libong boltahe ng kuryente sa aking katawan dahil sa kanyang ginawa.
“Hey! What are you doing to my boyfriend?” sigaw ni Grace ng makita niya kami ni Caleb kaya tatayo na sana ako pero mahigpit akong niyakap ni Caleb.
“Babe. Bakit mo niyayakap ang malanding babaeng ‘yan?” galit niyang tanong kay Caleb.
“Can you shut up!” sigaw naman ni Caleb sa kanya, kaya bigla siyang tumahimik. Tsk buti nga sa kanya ang lakas ng loob niyang sigawan ako, eh asawa ko naman si Caleb samantalang kabit lang siya nito.
“B-Babe, why are you shouting me?” iyak niyang tanong kay Caleb. Siguro kung hindi lang ako takot kay Caleb matagal ko nang sinabunutan ang babaeng ito.
“Tsk, I told you to go home.” wika ni Caleb habang nasa leeg ko pa rin ang kanyang muka, kaya hindi ko maiwasang mailang dahil sa kanyang ginawa.
“What? You want me to go home? Then you flirt her.” aniya, habang dinnuduro ako. bigla namang kinuha ni Caleb ang kanyang mukha sa aking leeg, kaya nakahinga ako ng maluwag. Tinitigilan ko kasi ang aking paghinga habang nasa leeg ko ang kanyang mukha, dahil baka bigla na naman siyang magalit.
“So what? She’s mine.” wika ni Caleb kay Grace.
“If you horny come to me Babe, I’m willing to give you everything mostly my body.” wika niya kay Grace. Hindi ko naman maiwasang mapa-iling dahil sa kanyang sinabi. Bakit ba baliw na baliw siya kay Caleb. Hindi ba niya nakikita ang sama ng ugali ni Caleb.
“Then, make me happy here.” wika niya kaya napatayo ako.
“L-lalabas na ako,” wika ko at lalabas na sana pero mabilis niya akong hinawakan sa aking isang kamay.
“Just be here and see what we do,” ngiting wika niya sa akin. napa-iling naman ako sa kanya habang naglalandas ang aking mga luha. Bakit ba ginagawa ito ni Caleb sa akin.