C10 TSW
“JEZZEL!!!” lalo akong nanginginig habang naririnig ang malakas na sigaw ni Caleb. Mas isiniksik ko rin ng husto ang aking katawan sa mga nakatambak na gamit dito sa storage room.
“JEZZEL! Kapag hindi ka lumabas ipapapatay ko ang pamilya mo!” malakas niya paring sigaw kaya hindi ko na napigilan ang humagulhol sa takot na totohanin niya ang kanyang sinabi. Paano kung sasaktan nga niya ang pamilya ko. ayaw kong mangyari ‘yon, kaya kahit nanginginig ako sa takot ay dahan-dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan.
“JEZZEL isa! Ayaw mo talagang lumabas!” bigla akong nataranta ng marinig ko ulit si Caleb kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan. Nang makalabas ako ay mabilis akong tumakbo papunta sa garahe dahil doon ko siya narinig.
“Ayaw mo talagang lumabas! Pwes makikita mo ang hinahanap mo!” sigaw niya ulit kaya mabilis ko siyang tinawag, dahil nakikita ko siyang pasakay ng kanyang sports car at nasa kabilang sasakyan ang kanyang mga taohan.
“CALEB!!” sigaw ko sa kanya habang umiiyak. Tumingin naman siya sa akin habang madilim ang kanyang mukha at matalim akong tinitigan.
“Caleb, ‘wag mong puntahan ang pamilya ko parang awa mo na,” hindi ko mapigilang mapaupo sa dahil takot at pagod, ramdam ko rin ang panghihina ng aking katawan. Nakita ko naman siyang lumapit sa akin kaya napayuko ako. pero bigla na lang akong napadaing ng hablotin niya ang aking buhok at hinila ako pataas.
“Bakit ka nagtatago hmm? Akala mo ba biro ko lang ‘yong sinabi ko sa’yo.” mariin niyang sabi habang hawak pa rin ang aking buhok.
“Idore!” Napatingin ako sa lalaking lumapit sa amin. Habang may hawak itong baril.
“Yes Boss.” Napahawak naman ako sa kamay ni Caleb na nakahawak pa rin sa aking buhok dahil sa para na itong matanggal sa higpit ng kanyang pagkakahawak.
“Puntahan mo si Mr. Lee at dalhin mo rito.” utos niya sa kanyang tauhan kaya mabilis akong umiling sa kanya.
“Huwag! Huwag mong puntahan ang Daddy ko!” sigaw ko rito at tiningnan din si Caleb.
“Parang awa mo na, ‘wag mo nang idamay si Daddy, gagawin ko lahat ng gusto mo Caleb, parang awa mo na,” pagmamakaawa ko sa kanya pero mabilis niya lang akong sinampal sa aking pisngi.
“Gagawin mo lahat? Ilang beses mo na ‘yang sinabi?” napadaing ako ng muli niya akong sampalin.
“S-sorry n-na h-hindi na a-ako u-ulit C-Caleb, ‘wag mo lang saktan si Daddy,” iyak kong wika sa kaya habang nanlalabo ang aking mga mata dahil sa aking mga luha. Para na ring namanhid ang aking mga pisngi dahil sa lakas ng pagsampal niya sa akin.
“Alam mo. Ang pinaka-ayaw ko ay ang takbuhan ako. tsk lalo na kapag alipin ko.” aniya sabay suntok sa aking tiyan kaya unti-unting nagdilim ang paningin ko.
Napamulat ako ng aking mga mata ng makaramdam ako ng sobrang lamig sa aking katawan, dahan-dahan kong itinaas ang aking mga kamay pero hindi ko ito maigalaw, kaya bigla akong napatingin dito. Nag-uunahan na naman sa paglandas ang aking mga luha ng makitang nakaposas ang aking mga kamay sa headboard nitong kama. Igagalaw ko rin sana ang aking mga paa pero nakatali rin ito. Napatingin naman ako sa sofa ng makita ko si Caleb na nakaupo doon habang nakatingin sa akin. hindi ko rin mapigilang matakot sa kanya ng husto ng makita ang hawak niyang belt.
“Caleb, nasaan ang Daddy ko? Caleb, wag mong saktan ang Daddy ko,” mahinang wika ko sa kanya habang umiiyak. Tumayo naman siya at lumapit sa akin. napatingin din ako sa aking katawan ng makitang wala akong damit at tanging bra at panty lang ang suot ko.
“Mas nag-aalala ka pa sa Daddy mo kay sa sarili mo hmm?” wika niya habang hinahawakan ako sa aking pisngi. Tanging iyak lang ang sagot ko sa kanya, dahil sa takot ko sa kanya.
“Hmmm, sinubukan ko namang magpakabait sa’yo pero parang ayaw mong bumait ako.” umiling naman ako sa kanyang sinabi.
“Nagawa ko lang naman ‘yon C-Caleb, dahil ayaw kong saktan m-. ahhh!” hiyaw ko ng hampasin niya ako sa hawak niyang belt. Nang tumingin siya sa akin ay agad akong napakagat ng aking labi para hindi ako makasigaw sa bawat paghampas niya sa aking katawan. Alam ko kasing lalo siyang magagalit kapag narinig niya akong sumisigaw.
Ramdam ko naman ang hapdi ng buong katawan ko dahil sa paghampas niya sa akin, sa sobrang sakit ay gusto ko na lang mawala para matapos na ang paghihirap ko sa mga kamay ko sa asawa ko.
Ilang sandali pa ay tumigil na siya sa paghampas sa akin habang pinipigilan ko pa ring kumawala ang aking mga hikbi.
Nang tumingin siya sa akin ay agad akong lumingon sa kabila, ayaw ko kasing makita ang galit nag alit na naman niyang mukha.
Narinig ko naman ang pagbubukas ng pintuan kaya napatingin ako roon. Doon na rin ku-mawala ang hikbi ko ng makitang lumabas na si Caleb, ramdam ko rin ang hapdi ng aking mga mata dahil sa kakaiyak. Hanggang sa hinila muli ako ng antok.
**KINABUKASAN**
Ramdam ko ang sakit ng aking katawan habang nilalamig, kaya naisipan kong tumagilid. Bigla ko namang naidilat ang aking mga mata dahil nakakagalaw na ako. nang tumingin ako sa paligid ay doon ko lang napansin na nasa sahig na pala ako nakahiga habang wala pa rin akong suot na damin kaya dahan-dahan akong tumayo para sana kumuha ng damit. Pero bigla akong napahigang muli dahil sa sakit ng aking katawan.
Bigla naman akong sumiksik sa sofa ng makita ko si Caleb na lumabas ng banyo.
“Where is my clothes?” dahan-dahan naman akong tumayo para kunin ang kanyang susuotin sa wardrobe. Panay naman ang aking paghawak sa pader para marating ko ang wardrobe dahil hindi ko kayang maglakad dahil sa sakit ng buo kong katawan.
Nang marating ko ang wardrobe ay mabilis rin akong kumuha ng malaki kong t’shirt para isuot dahil kanina pa ako nilalamig.
“Bakit ang tagal mo?” gulat akong napalingon kay Caleb na nasa pintuan kaya inabot ko sa kanya ang kanyang pantalon at longsleeve.
“Sinong nagsabi sa’yong magdamit ka?” galit niyang tanong sa akin kaya dahan-dahan kong hinubad ang suot kong damit.
“Simula ngayon ayaw kong makita kang nakasuot ng damit.” Napa-angat naman ako mukha sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
“Nilalamig ako,” mahina kong wika sa kanya habang lumayo ng konti. Pero mabilis niya namang nahawakan ang braso ko.
“Wala akong paki-alam.” aniya sabay tulak sa akin, kaya natumba ako sa sahig, dahil wala pa rin akong lakas.
“Pasalamat ka at pinayagan pa kitang magsuot ng underwear.” mariin niyang wika sabay talikod sa akin. pero mabilis kong hinawakan ang kanyang isang paa.
“Caleb, wala ka bang ginawa sa Daddy ko?” iyak ko ulit na tanong sa kanya, dahil hindi ko maiwasang mag-alala kay Daddy. Lumingon naman siya sa akin habang ngumiti kaya lalo akong nag-alala sa pamilya ko.
“Ako na lang ang saktan mo Caleb ‘wag lang sila parang awa mo na,” pagmamakaawa ko sa kanya habang nakayakap pa rin sa kanyang paa. Pero bigla niya akong tinadyakan sa isa niyang paa kaya napabitaw ako sa kanya. Tanging iyak na lang ang nagagawa ko dahil sa takot na lumaban sa kanya. Kinuha ko naman ang isang bathrobe at isinuot ito dahil nilalamig na ako ng husto. nang buksan ko na sana ang wardrobe pinto ng wardrobe ay agad akong nagtaka dahil hindi ko ito mabuksan.
“Caleb! Nandito ako sa loob Caleb! Caleb buksan mo ‘to!” iyak ko namang sigaw habang kinakatok ang pinto. Pero walang nagbukas sa akin kaya napasandal na lang ako sa pinto habang umiiyak.
Ramdam ko na rin ang gutom kaya mahina ko na namang kinakatok ang pinto. Agad naman akong napatayo ng makitang bumukas ito at nakita si Caleb na pumasok habang may dala itong tray.
Kumunot naman ang kanyang noo ng tumingin sa akin, kaya dali-dali kong hinubad ang suot kong bathrobe. Nang mailagay niya sa mesa ang tray na kanyang dala ay mabilis akong lumapit dito at binuksan agad ito. Hindi ko naman mapigilang matakam habang nakatingin sa mga pagkain kaya agad ko itong sinubo habang hindi na gumamit ng kutsara dahil sa gutom. Hindi ko na pinansin si Caleb ng lumabas dahil sa pagkain nakatuon ang atensyon ko. matapos kong kumain ay inayos ko naman ang mga plato sa try at pumasok sa banyo para makaligo. Mabuti na lang at may pinto ang wardrobe niya na naka-konekt sa kanyang banyo.
Hindi ko naman mapigilang umiyak habang nakatingin sa aking sarili sa harap ng salamin dahil puro pasa ang aking katawan pati na rin ang aking mukha.
Ilang sandali pa ay pinunasan ko na ang aking mga mata at tumapat sa ilalim ng shower head, habang hinahayaan lang na bumagsak sa aking katawan ang tubig.
Mayamaya pa ay naisipan ko nang tapusin ang pagligo ko para humiga, dahil sa sakit ng aking katawan. Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako ng banyo at kinuha ang aking underwear sa lagayan ng nito at isinuot. Kukuha rin sana ako ng damit pero baka magalit si Caleb kaya ang bathrobe na lang ulit ang sinuot ko. humiga naman ako sa sofa matapos kong patuyuin ang aking buhok.
KINAGABIHAN ay nagising ako ng makarinig ng malakas na pagkabasag kaya mabilis akong bumangon at nakita si Caleb na matalim na nakatingin sa akin habang nagkalat sa sahig ang mga basag na plato na nilagyan niya kanina ng pagkain. Ngayon ko lang din napansin na gabi na pala at ang haba ng tulog ko.
Agad ko namang hinubad ang suot kong bathrobe ng makitang papalapit siya sa akin, dahil alam kong ito ang ikinagagalit niya.
“Hindi ka talaga nakakaintindi no?” galit niyang wika sa akin habang mahigpit na hinawakan ang aking braso.
“Masakit,” mahina ko namang sambit sa kanya, dahil sa higpit ng pagkakahawak niya rito.
“Ligpitin mo ‘yon.” Turo niya sa mga binasag niya kaya agad akong naglakad para iligpit ito, pero bigla akong napadaing ng matusok ang aking paa sa isang bobog, kaagad ko naman itong tinanggal at pinulot pa ‘yong iba. Ramdam ko naman ang hapdi sa aking paa kaya tiningnan ko ito. Hindi ko rin mapigilang matakot habang nakita ang dugo sa aking paa. Mabilis ko naman akong tumakbo sa banyo para hugasan ito.
“JEZZEL!” dinig ko namang sigaw ni Caleb ng tumakbo ako sa banyo.
“Oo, saglit lang!” sagot ko naman sa kanya habang mabilis na pinunasan ang aking paa.
“Look. Diba pinaligpit ko ‘yan sa’yo.” Turo niya sa mga basag na plato. Kaya mabilis akong lumapit dito para iligpit na ito. Nang malinis ko na ang sahig ay napatingin naman ako sa bukas na pinto gusto ko kasi sanang lumabas pero baka magalit si Caleb, gusto ko rin sanang kunin ang phone ko para tawagan si Mommy.
Lumapit naman ako sa pinto at sinilip si Caleb nakita ko naman siyang nakaharap sa kanyang laptop kaya dahan-dahan akong lumabas.
“C-Caleb, pwede ko ba’ng tawagan si Mommy?” tanong ko sa kanya. Nag-angat naman siya ng mukha at masama akong tiningnan.
“Why?” kunot-noo niyang tanong sa akin. kaya bigla akong kinabahan.
“K-kumustahin k-ko lang sila,” mahina kong sagot habang nilalaro ang aking mga daliri, hindi ko rin maiwasang yakapin ang sarili ko dahil sa lamig. Mas nilakasan niya ang kanyang aircon.
“You can’t do that.” asik niya kaya umupo na lang ako sa sahig habang yakap ang aking sarili.
Lumipas naman ang isang oras ay binigyan niya ulit ako ng pagkain kaya mabilis ko itong kinain at ibinigay sa kanya dahil baka basagin niya na naman ito kapag ilagay ko ulit sa mesa.
Nang lumabas si Caleb ay sumiksik ako sa sofa at habang nakaupo sa sahig dahil sa lamig.
Napansin ko namang bumukas na ang pinto kaya mas lalo pa akong sumiksik.
Nakita ko namang humiga na siya sa kanyang kama, kaya dahan-dahan akong tumayo para papasok sana sa wardrobe.
“Saan ka pupunta?” Tinuro ko naman ang wardrobe.
“Anong gagawin mo do’n?” Napayakap naman ako sa aking sarili habang nakayuko.
“M-matutulog,” sambit ko sa kanya.
“Sinong may sabi na doon ka matulog?” singhal niya kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.
“Nilalamig ako,” sagot ko naman sa kanya dahil hindi masyadong malamig doon at pwede kong isuot ang bathrobe kapag hindi niya nakikita.
“Dyan ka matulog.” Turo niya naman sa sofa kaya agad akong pumunta rito habang yakap pa rin ang aking sarili.