C33 TSW Hindi ko alam bakit tuwang-tuwa ako habang pinagmasdan ang mga mukha ng mga kaibigan ng asawa ko. napapangiti ako sa mga itsura nila lalo na ng sumuka sila sa taho na pinakain ko sa kanila. Binabantayan naman sila ng mga tauhan ni Caleb dahil aalis sila. “Baby, why are you smiling to them?” kunot-noo namang tanong sa akin ng asawa ko. hmp, nagseselos siguro siya dahil sa mga kaibigan niya, pansin ko kasing masyado siyang siloso. Hindi ko rin napigilan ang pag-iyak kanina ng makita kong sumakay siya sa kanyang kotse. Akala ko iiwan niya kami ng mga anak ko, dahil lagi ko siyang sinisigawan at ayoko rin na nasa malapit siya. pero ng umalis siya ay bigla akong natakot na baka iwan niya kami ng mga anak niya. “Nakakatuwa lang kasi ang mga mukha nila Caleb,” ngiting sagot ko naman s

