C21 TSW JEZZ POV Lumipas ang mga buwan at pansin ko ang malaking pagbabago ni Caleb, masaya rin ako dahil sa pagbabagong ipinapakita niya sa akin. nasa loob kami ngayon ng room niya rito sa kanyang office habang may kausap siya sa labas. mukhang importante ang pinag-usapan nila, kaya hindi ko nilabas ang mga bata. Mayamaya pa ay panay na naman ang iyak ni Cain at alam kong hinahanap na naman niya ang kanyang Daddy. Kaya kahit may kausap si Caleb, ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Napatingin naman sila sa amin, dahil sa lakas ng boses ni Cain. Hindi ko naman mapigilang magulat ng makita ang kausap ni Caleb. “H-Harold?” sambit ko sa kanya ng lumingon ito sa amin. “Jezz! God, how are you? Bakit bigla kayong nawala? Pati si Nanay Riza?” bigla akong napatingin kay Caleb dahil sa sin

