Hindi umuwi si kuya. Tapos na kaming mag almusal at mag tanghalian pero wala pa rin ang kuya. Nag-aalala na kaming lahat pero di ko pinapahalata na nakokosensya ako at ako ang may dahilan kung bakit wala pa rin ang kuya. Nag volunteer na nga si Black na ipahanap si kuya sa mga bodyguard pinigilan ko lang. Malaki na si kuya at alam niya na ang kaniyang ginagawa. “Mamaya rin e uuwi si kuya. Wala siyang ibang mapupunta para tulugan. Uuwi rin siya. Wala tayong ibang gagawin dito kun’di ang maghintay. Di tayo magpupunta sa barangay. Hindi ang bodyguards ang maghahanap. Si kuya ang uuwi dito. Yun ang dapat na mangyari.” Sabi ko sa kanila. Walang ibang sumabat at kumontra sa gusto kong mangyari. Nasabi ko na ang gusto ko at ‘yon lang ang dapat na mangyari. Kapag may sumuway doon ibig sabihi

