Matagal bago ko napilit itong si Bernadette na tawagin na lang akong ate instead of Queen. Pinapaliwanag niyang maigi sa akin na nasa tradition daw iyon ng kanilang pamilya at baka mapagalitan siya ng family niya kung susuway siya roon. “Wag kang matakot. Akong bahala sa ‘yo. Ate na lang ang itawag mo sa akin ha?” Pag kumbinsi ko pa ng bongga. Pumayag na siya kanina sana hindi na magbago ang isip niya. “Basta tatawagin lang kitang ate kapag tayong dalawa lang ha? My parents will literally kill me if they will hear me calling you sister instead of the queen.” “Sige pwede na yun. Pinky swear?” Natawa siya ng mahina. “Pinky swear?” I nodded. “Ah huh. Para may alas ako kapag ‘di mo na ako tinawag na ate.” Napakamot siya sa buhok niya sa ulo. “Di ba pang kids lang ang pinky swear?

