Aki's Point Of View Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagtingin ko sa kama ay naroroon pa rin si Hugo na mahimbing ang tulog, bahagya pang nakababa ang kumot kaya nakikita ang topless nitong katawan. Buti naman at napagod siya dahil kagabi ay halos ayaw na niya akong patulugin. Naligo ako at nagpalit ng jogging pants at t-shirt na asul. Sinuot ko rin ang tsinelas ko't lumabas na ng kuwarto. Tumingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad sa pasilyo rito sa ikalawang palapag ng mansion. May mga paintings na nakakabit sa wall at ang nakapukaw ng atensiyon ko ay ang portrait kaya tumigil ako't tumingin doon. Ngayon ko lang ito napansin kahit na sobrang laki nito at sa tapat pa mismo ng daan pababa nakadikit. Medyo luma na rin ang portrait ngunit matibay pa rin at halatang inaalagaan.

