Chapter 3

1634 Words
Aki's Point Of View Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa sariling ekspresiyon sa salamin. May kung anong nabuhay na inis sa loob ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko s'ya lubos na naintindihan ngunit alam kong pinaparatangan ako nitong tsismoso. Bumuntong-hininga ako bago ako naglakad palabas ng banyo. Nang makarating ako sa loob ng classroom ay wala pa roon ang next subject teacher. Kaya agad na akong umupo sa p'westo ko kung saan katabi ko si Mina. "Hoy! Ba't ganyan itsura mo?" tanong nito nang mapansin n'yang nakabusangot ang mukha ko. Bumuntong-hininga ako. Inilabas ko muna ang librong gagamitin sa klase bago ko siya sinagot. "May malalim lang akong iniisip." Tumingin ako rito at ibinaling muli ang tingin sa harap. "Like what?" Napansin kong tinaasan ako nito ng kilay. Ang dami naman kasing tanong nitong babaeng 'to. "Katulad ng white sand sa manila bay," sagot ko. "Araay!" Masama ko itong binalingan dahil binatukan naman ako ng pagkalakas-lakas. Sinong hindi masasaktan sa kanyang ginawa? "Mapagbiro ka pala?" Nginisian n'ya lang ako bago inirapan. "Ang dami mo kasing tanong. Mabuti pa ay manahimik na lang tayo pareho dahil nand'yan na si Prof." Hindi na n'ya ako sinagot pa. Itinuon na lang naming ang pansin sa harap nang magsimula na si sir sa pagtuturo. Buong klase ay nakatunganga lang akong nakatingin sa harap. Naiintindihan ko naman ang lesson ngunit ginulo akong muli nang nagging tagpo naming ni Hugo sa banyo. Hindi ko alam na may ugali s'yang mapagbintang. Hindi ko naman kasi ito kilala kahit na hinahangaan ko s'ya. Sa tagal ko nang nag-aaral sa San Manuel University ay ngayon lamang nagtagpo ang landas naming dalawa. Pero hindi ko maintindihan nang lubos ang sarili ko. Kung bakit sa kabila ng kakaunting natuklasan ko sa kanya'y hindi pa rin nawawala ang paghanga ko? Nakaramdam ako ng inis ngunit mas nangingibabaw ang paghangang nararamdaman ko. Mas lalo kong gugustuhing alamin ang buong pagkatao n'ya at kung magiging magkaibigan naman kami ay bonus na lamang iyon. "Basta bukas ng 8.30 AM dapat nandoon kana sa tagpuan natin." Tumango ako bilang sagot sa kanya. "H'wag kang mala-late dahil malilintikan ka talaga sa akin!" Kakatapos lang ng klase namin at ngayo'y nasal abas kami ng campus upang hintayin ang sundo nito. Naghihintay rin naman ako ng tricycle na p'wede kong masakyan papauwi. I'm used to this kind of set up, medyo nabago lang ng kakaunti dahil kasama ko ngayon si Mina na naghihintay. Hindi katulad noon ay wala akong kasama rito sa labas na para akong tangang nakatayo. Bakit ba kasi wala man lang waiting shed ditto sa labas ng campus? Ang laki-laki ng university pero hindi man lang sila makapagpatayo ng waiting shed dito. "Baka nga mas mauuna pa ako sa'yo roon." Inirapan ko s'ya. Nginisian naman n'ya ako. "Good! So, see you tomorrow?" Tumango lang ako. "Sige, mauuna na ako. Nand'yan na 'yung sundo ko." Kumaway lang ito at pumasok na s'ya sa kotseng huminto sa harap naming dalawa. Anak mayaman pala itong si Mina. Hindi naman 'yun nakakapagtataka dahil halata sa kutis nito at sa kanyang mukha. Maganda siya at matangkad din ng kakaunti. P'wedeng-puwede s'yang ipanglaban sa mga beauty contest. Ilang saglit ay may pumara ng tricycle sa harap ko. Kaya naman sumakay na ako roon. "Sa barrio syete po," sabi ko kay manong. Agad naming umandar ang sinasakyan ko at mabilis kaming nakarating sa aming barrio. Sinabi ko sa kanya ang bahay namin at nakarating kami roon agad. Bumaba ako at inabot ang bayad ko na agad niyang kinuha. Umalis na rin ito kaya pumasok na ako sa loob. Saktong lumabas si Mama nang malapit na ako sa pinto ng aming bahay. "Aki, Mabuti nandito kana. May ipag-uutos ako sa 'yo," sabi nito. Tinignan ko ang ayos niya at nakasuot siya ng apron. "Kakauwi niyo lang po ba?" tanong ko sa kanya imbes na itanong kung anong ipag-uutos nito. "Half day lang kanina sa work kaya maaga akong umuwi kanina at heto nagluluto ako ng order sa akin," sagot niya. Isang assistang chef si Mama sa isang restaurant ditto sa aming lugar. Simula nang mamatay si Papa ay s'ya na ang nagtaguyod sa aming tatlong magkakapatid. Kaya sa tuwing wala s'yang trabaho ay nagluluto siya ng ipapabenta niya online. Malaki ang pasasalamat naming sa kanya dahil kinakaya niya kamig itaguyod. Hindi kami sobrang yaman pero nakakain naman kami ng mga pagkaing gusto naming lalo pa't hilig din ni Mama ang pagluluto. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko namana ang talento niya sa pagluluto. "Gano'n po ba? Eh, ano po pala iyong ipapabili niyo?" tanong ko rito. Maaga pa naman dahil maaga nag-dismissal ang professor naming kanina dahil may meeting daw ang mga ito. Siguro'y dahil sa darating na foundation anniversary ng university. Mabilis itong kumilos at kinuha ang pera sa bulsa nito. "Nandiyan na rin sa listahan ang bibilhin mo," sabi nito nang makita kong may papel sa perang inabot niya. "Mag-iingat ka sa daan." Tumango lang ako. Kinuha naman niya ang bag ko at bumalik na siya sa loob ng bahay. Umalis din naman ako kaagad. Sa may malapit na grocery store na lang ako pupunta para mabilis akong makakabalik. Sumakay ako sa isang tricycle na huminto at sinabi ko kung saan ako pupunta. Ilang saglit ay nakarating ako roon kaya nagbayad lang ako at agad na bumaba. Pumasok ako sa loob at kumuha ng cart. Itinulak ko na 'yun at pumunta ako sa section ng mga bibilhin ko. Habang naglalakad ako'y bigla akong napatigil sa boses na narinig ko mula sa likod ko. Hindi ako puwedeng magkamali sa pagkakarinig dahil kahit isang beses ko lamang narinig ang boses nito'y kilalang-kilala ko na agad. "No sweets for today, Simon! Magkakaroon k ng cavite." "But—" "If I said, no. It means hindi puwede, understand?!" "O-opo." Mabilis akong lumingon ngunit wala na ang mga ito sa likod ko. Hindi ako puwedeng magkamali ng pagkakarinig. Si Hugo ang taong 'yun pero sino 'yung batang kausap niya? Naguguluhan na ako sa taong 'yan. Bakit kasi napakamisteryoso niyang tao? _________________________________________________________________ Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi kasi ako makatulog kagabi dahil gumugulo sa isipan ko si Hugo at ang batang kausap nito kahapon. Pero baka kapatid lang niya iyon. Hindi ko naman siya lubos na kilala kaya ganito ako mag-isip ng tungkol sa kanya. "Oh, sabado ngayon. Bakit maaga kang gumising?" tanong ni Mama ng pumasok ako sa kusina. Umupo ako sa hapag at inabutan naman niya ako ng tasa. Inilagay rin niya ang gatas at kape sa harapan ko kasama ang mainit na tubig. "May pupuntahan po ako ngayon," sagot ko. Nagtimpla ako ng kapeng barako para magising ako dahil kahit maaga akong nagising ngayon ay inaantok pa rin ako. Tuwing sabado kasi'y hindi ako sanay na gumising ng masyadong maaga. "Saan naman iyan? May date ka ngayon?" Ngumiti si Mama ng tignan ko s'ya. "Guwapo ba?" tanong pa nito. Uminom muna ako sa kapeng tinimpla ko bago ako sumagot. "Wala po! May gagawin po kaming project ng kaklase ko." Pero parang hindi pa ito naniniwala sa sagot ko. "Akala ko naman ay may boyfriend kana," sabi niya na tanging iling lang ang naging sagot ko. "Basta kapag may boyfriend kana ay sabihin mo sa akin at ipakilala mo agad. Kikilatisin ko kung katulad ba niya ang Papa mo." "Si Mama talaga. Imposible pong mangyari ang sinasabi niyo dahil walang katulad si Papa," sagot ko. "Saka po ay bakla ako. Mas lalong imposible na may magkagusto po sa akin." Hindi lingid sa kaalaman ni Mama ang kasarian ko. Tanggap na tanggap n'ya ako at kung nabubuhay pa si Papa ay tanggap din ako nito. Kaya napakasuwerte ko sa pamilya ko dahil hindi nila ako hinusgahan kahit na ganito ako. "Posible iyon, 'Nak. Sa panahon ngayon ay hindi na mahalaga ang kasarian kapag nagmahal ka. Kaya tiwala lang, nararamdaman kong may magkakagusto rin sa'yo. Sa ganda mo ba naming 'yan? Manang-mana ka kaya sa akin." Natuwa ako sa sinabing iyon ni Mama. Totoo rin naming nagmana ako sa kanya, mula sa pilik mata at sa ilong ay minana ko. Maganda si Mama dahil may lahing Japanese ang dugo niya ngunit hindi naman niya nakuha sa ina nito ang mukha ng mga hapon. Pero nang ipanganak ako'y tila raw isa akong anak ng Hapon. Ewan ko ba sa kanila kung bakit Akierra ang ipinangalan sa akin. _______________________________________________________________________ 8.15 AM pa lang ay nakarating na ako sa sinasabing coffee shop ni Mina. Umupo ako malapit sa glass wall at sa pintuan para kung sakaling pumasok siya'y madali lang niya akong makikita. Inilabas ko ang cellphone ko para i-check kung may message ba ito ngunit wala naman kaya agad kong ibinalik ang tingin sa harapan ko. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng shop. Maganda ang pagkakadisenyo rito na mukhang patok na patok sa mga teenager katulad ko. Tumingin ako sa likod ko dahil nakaramdam ako ng parang may tumitingin sa akin at tama nga ako ng hinala. Dahil bumungad sa akin ang matatalim nitong tingin na hindi ko maintindihan kung bakit. Sa pagkakaalam ko'y wala akong natatandaang atraso sa kanya. Ang engkuwentro lang namin sa banyo ang tanging naalala ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit sinabi niya iyon sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin. Nagkunwari akong hindi siya nakikita. Nararamdaman ko pa rin ang masamang tingin na ipinupukol sa akin ni Hugo. Bakit siya nandito? Ano'ng ginagawa niya rito? Sinusundan ba niya ako dahil iniisip niyang sasabihin ko ang narinig ko noon sa banyo? Ni hindi ko nga alam kung ano ba 'yun, eh. Kung ano man ang ginagawa niya rito ay wala na akong pakialam pa. Ang alam ko lang ay wala akong ginagawang masama sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD