Aki's Point Of View Unti-unti ko nang nakikilala si Hugo, may mga bagay na akong alam tungkol sa kaniya at natutuwa ako dahil marami ang nagbago sa pagitan naming dalawa. May itinatago pala siyang lambing sa katawan dahil sa araw-araw ako nitong kinukulit sa video call kapag nakauwi na ako sa bahay. Kasama na rin nito ang anak at may bagong nagbabantay na rin dito kaya nakahinga ako ng maluwag. "Let's have a date tomorrow?" Nagulat ako at napatingin sa laptop ko, nasa kabilang linya si hugo sa loob ng kaniyang kuwarto at naroroon din ang kaniyang anak sa kama nito naglalaro. As usual ay wala na naman siyang suot na damit. "Date?!" Tumango siya at ngumiti na madalas na niyang ginagawa ngayon, hindi na katulad noon na halos malukot ang mukha nito sa tuwing nakikita niya ako. "S-Saan nam

