Third Person's Point Of View Pagka-park pa lang ni Hugo sa kaniyang kotse, pagdating nito sa kanilang bahay. Agad na siyang lumabas at nilapitan ang isang guard upang iabot ang susi ng kotse niya. Hindi na rin siya nagtagal pa dahil agad siyang pumasok sa loob ng kanilang mansion na may limang palapag. Naabutan niya ang Ama na prenteng nakaupo lang sa isang kulay puti at gintong sofa, may hawak itong baso ng kape sa kaniyang kaliwang kamay. Inilibot niya ang tingin para kumpirmahin kung naroroon ba ang Ina ngunit wala ito maging ang kaniyang anak. "Where's Simon?" tanong nito, may bahid ng pagmamadali sa kaniyang tono. At, iyon naman talaga ang totoo. Gusto nitong matapos na ang usapan nilang dalawa upang wala ng makasagabal sa kanila ng pinakamamahal niyang si Aki. Lumingon sa kaniy

