Aki's Point Of View Malawak ang ngiti ko nang pumasok ako sa loob ng aming classroom. Inilibot ang paningin at natagpuan ko si Mina na nakatingin sa akin habang nakakunot ang kanyang noo. "You're weird," aniya nang makalapit ako sa puwesto nito. Umupo ako sa upuan ko. Inilabas ang mga gamit para sa subject na 'to saka ako humarap sa kaniya. "Hehe." Mas lalo kong pinalawak ang pagkakangiti ko. "Ang ganda mo pala," sabi ko. Tumingin ako sa mga kaklase ko at abala sila sa kani-kaniyang mga ginagawa. Maaga pa naman ngunit marami na ang nandirito dahil siguro mas pinili nilang mag-study rito, may quiz daw kasi kami mamaya. "You're scaring me, Aki. What's with you?!" Tinaasan niya ako ng kilay nang mapalingon akong muli sa kaniya. "Anong nakakatakot? Masaya lang ako, sobrang saya ko. Masa

