Aki's Point Of View "Bakit mo 'ko dinala pa rito?" Masama ko siyang tinitignan. Pareho kaming nakaupo rito sa sofa sa kaniyang condo. Hindi niya ako hinila dahil kusa akong sumama sa kaniya, ayokong magpabuhat doon at baka totoohanin pa niya ang sinasabi niya kanina. I don't want to end up with you naked on bed. Kinikilabutan ako. Kahit na dalawang beses ng may nangyari sa amin ay hindi pa rin sanay ang katawan ko sa mga pangyayari. Nanginginig ang kalamnan ko at hindi ko mahabol ang hininga. "I want to talk to you," aniya, mahinahon ang kaniyang boses. Hindi na katulad noon na kung minsan ay masama ang tingin at may diin ang bawat salitang sinasabi niya. "Kanina pa tayo nag-uusap. Ano bang gusto mong pag-usapan? Gusto ko ng umuwi. Ayokong makasama ka," sabi ko. Nang makita ko ito k

