Chapter 8

1941 Words
NYX'S POV Ano na naman kaya ang hawak ng lalaking yun? Tss. Puro kalokohan. Lumapit sya sa akin ng may malaking ngiti sa labi kaya nag mumukha syang baliw. "TADA!" itinapag nya sa mukha ko yung hawak nyang paper bag "buksan mo bilis" kinuha ko yung bigay nya at aakmang bubuksan pero "ako na nga ang bagal eh" kinuha nya sa kamay ko yun at binuksan. Nagulat ako sa nakita ko. Isa yung headphone. black ang kulay pero may color violet na Bright LED accent light at may fully fictional cat ears external speakers. "tignan mo toh huh." may pinindot sya sa gilid. May Bluetooth pala yun tapos kiniha nya yung CP nya at may pinasang kanta. Inilagay nya sa tenga ko yung headphone saka nag simula yung kanta. Ang cool umiilaw yung linings. Isang wireless headphone yung binigay nya sa akin. Naumay lang ako sa kanta dahil... I love you, You love me, We're a happy family, with a great big hug, and a kiss from me to you, Won't you say you love me TOO! I love you, You love me, We're best friends like friends should be, With a great big hug, And a kiss from me to you, Won't you say you love me too -____- Sinasabayan nya pa yung kanta. Naman... Tinanggal ko yung headphone. "hindi mo ba nagustuhan?" malungkot yung pag kakatanong nya. "hindi" ang sagot ko. "kung yung kanta ang tinutukoy mo Hindi ang sagot... Pero kung yung Headphone..." nag-aabang sya sa sunod kong sasabihin "oo" nakita ko yung pag liwanag ng mukha nya. "buti naman pinakaba mo ako dun" nakahawak pa sya sa dibdib nya at huminga ng malalim. Nagulat na lang ako ng tumayo sya sa pagkakaupo naming dalawa. Sinabayan nya yung kakaplay pa lang na kanta. Silento... Silento... Now watch me whip Now watch me nae nae Now watch me whip whip Now watch me nae nae... What the hell!!!! Hinila ko yung damit nya pababa para mapaupo sya "umupo ka nga!" ayaw nyang mag paawat kakasayaw. "ano ba!" nakatingin na lahat ng tao sa aming dalawa, yung iba nag bubulungan yung iba naman natatawa. "hay ano ba yan! Tumingil ka na nga eh" Tuloy pa din sya sa pag sayaw. Kinagat nya pa yung labi to look him sexy and hot. Narinig kong nag tilian yung mga babae. Mas lalo pang naging sexy ang pag sayaw nya. "parang timang" natawa na lang ako at na pa iling. "sayaw tayo dali na Nyx" hinila nya ang kamay ko "wag mo nga ako idamay sa mga kalokohan mo" nag pout sya. "ang KJ" sabi nya ng Nakasimangot. Parehas kaming nakatingin sa papalubog na araw... Malapit na mag hari ang kadiliman ulit, malapit na rin kaming umuwing dalawa. Mag hihiwalay ng daan pauwi sa kanya kanya naming mga bahay, babalik sa buhay namin na malayo sa isa't isa. Kung pwede lang sana itigil ang oras... Kung pwede lang sana... Natatakot akong umuwi ng bahay kung saan puno ng dilim kahit umaga at gabi. Sa kwarto ko na sobrang tahimik at malamig na kung saan mararamdaman mo ang pag iisa. Ayaw kong umuwi... Naramdaman ko ang pag patong ni Feist ng ulo nya sa hita ko. "ayaw ko pang umuwi" nagulat ako sa sinabi nya. Parehas pala kami ng nararamdaman. "pero Kailangan nating umuwi hindi pwede na dito tayo matulog" sabi ko na lang. "you are my song, playing so softly in my heart... I reach for you--" napatingin ako kay Feist sya ba yung kumanta? Ang ganda ng boses nya. Pero Napabangon sya ng parehas naming narinig sa radyo ng tindahan na nasa likod namin yung kinakanta nya... "ang Cooooool" agad syang tumayo at inayos ang sarili medyo naging seryoso ang mukha nya. You are my song Playing so softly in my heart "may I dance with you Miss?" magalang ang pag kakasabi nya. Inabot nya kanang kamay nya sa akin at marahang yumukod. Tatanggi sana ako pero "sure..." nadala ako ng pangyayari. Gustong tumanggi ng isip ko pero puso ko na yung nag desisyon. I reach for you You seem so near And yet so far Narahan nya akong itinayo. Hinalikan nya muna ang likod ng palad ko at dahan dahang inilapit sa katawan nya. I hope and I pray You'll be with me someday Ipinatong nya ang kamay ko sa sarili nyang balikat na hindi manlang inaalis ang mga mata nya sa pag kakatitig sa akin. I know down inside That you are mine and I'm your true love Or am I dreaming... THIRD PERSON'S POV Sabay sa musika ang bawat galaw ng kanilang mga katawan. Hindi alintana na maraming mga tao ang nakatitig sa kanilang dalawa at Tila ba silang dalawa lang ang taong nandoon. How can I Each time I try to say goodbye You were there You look my way and touch the sky We can share tomorrow and forever more I'll be there Bawat hakbang na gawin ay puno ng pag-ibig ng hindi nila namamalayan. Saktong pag lubog ng araw at pagsakop ng dilim ay ang pag bukas ng mga ilaw sa paligid na lalong naging dahilan kaya mas naging romantic ang mga kaganapan. Mas nilakasan ng may ari ng tindahan yung radyo nya. Maraming mga couples din ang nakigaya kay Nyx at Icarus. Mag asawa at mag kasintahan palang, matanda man o mga bata sumasayaw at inasabayan ang music. Pero hindi iyon nakikita ng dalawa tanging mga mata lang nila ang nakikita nila. To love you so You are my song I know for sure That we were meant to fall in love I look in your eyes I know that you are thinking of I try not to say The words that I might just to scare you away "Hindi ka naman mawawala sa akin di ba?..." bigla na lang iyong naitanong ni Nyx kay Icarus. Napangiti si Icarus pero deep inside... Natatakot syang sabihin kay Nyx ang tungol sa kalagayan nya. 'im dying Nyx' hindi nya mabigkas ang mga katagang iyon. "hinding Hindi" pag sisinungaling ang tanging bagay na pwede nyang gawin. I know down inside that you are mine and I'm your true love Please no more dreaming... How can I each time I try to say goodbye You were there You look my way and touch the sky We can share tomorrow and forevermore I'll be there To love you so You are my song "para kang panaginip...at Ayaw ko nang magising pa" unti unting inilapit ni Icarus ang sariling mukha sa dalaga sapat para maramdaman ni Nyx ang mainit na hanging nag mumula sa bibig nya. Tila amoy ng isang wine na nalibing ng matagal na panahon at nag lalabas ng isang aroma na nakakalasing. "Nyx... Sa akin ka lang huh..." marahang tumango si Nyx bilang pag sang ayon. 'sorry Nyx... Natatakot lang talaga akong mawala... Ang selfish ko' bagay na nasa isip ni Icarus. Maybe we can last until forever and I know that we can make it through With you in my heart, in my soul, you're my love You're my song We can share tomorrow and forevermore I'll be there To love you so You are my song! Pag tapos ng kanta ay... "kyaaaaaaaaaaaaaa" "ang sweeeeeeeeet aaaaaaaaahhhhh" *clap**clap* Nagulat ang dalawa sa narinig at nakita ang dami ng palang tao na nakapaligid sa kanila. Nag katinginan sila at sabay nag tawanan. "sa Monday sa school may sasabihin ako Nyx... Uwi na tayo?" tumango si Nyx "Mmmn!" saka sila bumaba at Nag lakad palayo. Someone's POV "eeehhh? How sweet?... So may Girlfriend ka na pala? Anyways... Hindi naman problema yun. Nakukuha ko ano ang gusto ko... At ikaw ang gusto ko... Hahahaha" bulong ko sa sarili ko habang pinag mamasdan ang babaeng nakaitim at yung lalaking kanina ko pa sinusundan ng tingin. I want him... I want him so badly... And everything I want will be mine. Even him... Umiba ako ng daan papunta sa parking lot at sumakay na ng kotse. "Let's go" utos ko sa driver. Hindi na sya nag sayang ng oras at pinaandar na ang kotse. Napangiti ako ng makaisip ako ng magandang plano. "nakikita mo ba ang dalawang yun?" tanong ko sa driver at tumango naman sya. "Good... Sagasaan mo" nagulat sya sa sinabi ko "what? Di mo ba narinig ang sinabi ko?" "narinig ko po" sagot ng driver "then do it" utos ko. Papalapit na kami sa dalawa na kasalukuyang tumatawid sa pedestrian lane. "alam mo ba Nyx may talent ako... Kaya kong tumawid ng nakapikit" dinig ko mula sa loob ng kotse dahil halos pasigaw ang pag kakasabi nya. pumikit sya at nag takad nga. "FEIST!" mabilis na hinila ng babae ang likod ng kwelyo ng prinsepe ko. Not bad... Tumigil ang kotse ko. Saka ako bumaba at nag madaling pumunta sa kanila. "aray! Nasakal ata ako..." hawak nya ang leeg nya. "waaaaaaah! Ayos lang ba kayo?" tanong ko. "sorry sa nangyari! Hindi po namin sinasadya" mangiyak ngiyak kong sabi "tss" nakakuyom ang kamao ng babae. "huh? Ah eh... Oi ikaw yung kanina di ba?" naalala nya pa la ako. "waaah ikaw yung nakaka takot nalalaki kanina " medyo nanginig ang tuhod ko. "sorry sorry sorry" ICARUS'S POV HAY grabe muntik na talaga ako dun. Buti niligtas ako ni Nyx kung hindi napaaga ang pag lalakbay ko sa kabilang buhay. Pasalamat sya cute sya dahil kung hindi sinapak ko na toh eh. "okay lang yun walang problema" sabi ko. "w-wag kang umiyak okay nga lang eh" naiiyak kase tong babaeng toh eh. Hay maka alis na nga lang. "Nyx halika na" ipinatong ko ang kaliwanh kamay ko sa ulo nya. Nakatulala kase eh. "see yah" kumaway pa ako sa babae. Nag aalala ako kay Nyx tahimik sya eh. =0= Sunday... "waaah grabe Nakakakilig naman yun boss!!!!!!" sabay sabay nilang sigaw na apat. nag kwento ako about sa nangyari sa amin ni Nyx kahapon pinilit kase nila ako. "kyaaaaaaaaaaa. Ang romatic!!!!" nag ba blush pa si Ylona habang sinasabi yun. "oo nga Ylona eh! Sa tingin mo may lalaki kaya na mag paparamdam ng ganun sa atin? Ang swerte talaga ni Miss Nyx sayo Boss!! ♡(∩o∩)♡" -Yuna "grabe boss ang lakas ng amoy ng pag ibig!" -Tori "hay boss... Idol talaga kita sa lahat ng bagay! Da bes ka" -Dart "buti hindi ka inatake sa puso boss? Sa kwento mo palang parang kanina lang nangyari at F na F mo pa" -Angel "Muntik na noh! Lalo na nung mag lapit yung mga labi namin..." >////THIRD PERSON'S POV unti Unti... Papalit na sya ng papalapit sa mumunting liwanag na nakikita nya pero kahit ganun ay malayo pa rin sya. 'Takbo... Takbo... Wag kang titigil...' Bulong sa sarili pero hindi nya mapigilan na mapagod at mahapo. Sobrang pagod... Ang bigat ng mga paa nya. Bawat hakbang ay nauubos ang enerhiyang meron sya. 'Bakit? Bakit pilit akong pinipigilan ng sarili kong mga paa? Hindi ba ako dapat lumapit doon? Pero bakit? Bakit?...' Gusto nyang umiyak... Gusto yang mas tumakbo pa ng mabilis pero.. Pero... May mga kamay na pumipigil sa mga paa nya ng hindi nya napapansin dahil sa mga mata nya na walang ibang nakikita kundi ang katiting na liwanag at pilit nyang inaabot. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD