ICARUS'S POV
One month na ako dito sa MU. May mga ilan na akong mga kaibigan sa room at sa buong school.
"Hi Icarus"
"Good Morning Icarus"
"Hello Icarus"
"Hi handsome"
"Morning Pogi"
Yan ang mga naririnig ko tuwing umaga kapag papasok na ako.
Halos nga ata pinapansin ako at nginingitian except for her...
Nakatayo sya sa harap ng locker nya at busy sa pag tatanggal ng mga papel na nakadikit doon.
Araw araw laging ganun.
Puro pang iinsulto ang nakasulat.
Unti unti akong lumalapit sa magandang babae na iyon.
"Hi Nyx... Good morning" tinulungan kp sya sa pag tatanggal. Ewan ko kung paano pero... Ang sakit... Ang sakit sakit at ang bigat bigat sa pakiramdam habang tinatanggal ko iyon at nababasa ko ang mga nakasulat.
Baliw
Cut
Faggot
Fuck you
Bitch
Ugly
Panget
Go to hell
You're not belong to this world.
Go and kill yourself
Crazy
Etc.
For sure mas masakit yun para sa kanya.
Inagaw nya ang mga papel sa akin.
"no please let me help you Nyx" pinigil ko ang kamay nya.
"I don't need your help. So leave me alone" madiin ang pag kakasabi nya. Saka sya lumakad palayo.
At ako... Tinatanaw ko lang sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.
Pero...
"HINDI PA DIN AKO SUSUKO!!!"
Sigaw ko para marinig nya.
(。ì _ í。)
Hmp! Akala mo susukuan kita? Hindi noh!
NYX'S POV
Pwes baliw ka.
Hindi na lang kase ako layuan eh. Bakit ba nya ako pinapakialaman. Hindi ko kailangan ng awa nya... ng awa ng iba! Hindi ko kayo kailangan.
Dahil alam ko na sa huli. Maiiwan pa din akong mag isa. Mawawala din kayo sa akin.
Tsk.
Someone accidentally bumped me. But I saw her smirk.
Okay its not accident. The hell.
Medyo humapdi ang mga sugat ko.
Yeah I cut my self. I cut my own arms. Well that's usual. Just want to feel the pain.
Nakayuko ako habang nag lalakad. Alam ko naman na ako ang tinitignan nila. Wala nang bago dun.
*gasp*
Naramdaman ko na lang ang sobrang lamig at may maasim amoy na tubig sa katawan ko.
At malalakas na na tawanan ang naririnig ko sa paligid.
May mga lumapit sa akin at binuhusan ako ng chocolate syrup. Sunod ang harina. Akala ko tapos na pero...
May finishing pa... Binato nila ako ng itlog. Yung iba hilaw pero yung iba Naramdaman kong matigas. May babaeng tumayo sa harap ko. Tinapat nya sa mukha ko ang isang spray paint at saka iyon kinulayan ang mukha ko.
Malakas na tawanan na naman ang yumayanig sa pandinig ko. Para akong nasa isang hawla. Wala akong maramdaman. Manhid ang buo kong katawan. Hindi ko magalaw kahit dulo ng daliri ko. Unti unti nang nag lalaho ang ingay sa paligid at dumidilim ang lahat.
"NYX!" may tumatawag sa pangalan ko? Pero sino? Walang nakakaalam ng pangalan ko. Hahaha bago yun ah. "NYX!" Naramdaman ko ang isang palad na humawak sa kamay ko. Ang init. Ang sarap sa pakiramdam, sa tagal ng panahon hindi na ako nakaramdam ng ganitong init.
"Nyx... Ayos ka lang ba? STAY AWAY FROM HER!" mauturidad ang boses na yun.
"Hi Icarus. Let her go. Pabayaan mo sya... Bagay lang yan sa mga tulad nya" sabi nung babae. Lalapit pa sana sya.
Si Icarus Feist na naman.
"I SAID STAY AWAY! P*TANG INA ALIN BA DUN ANG HINDI MO MAINTINDIHAN!" nakaramdam ako ng takot sa kung paano nya bigkasin ang bawat salitang iyon.
"halika na Nyx... Ilalayo na kita dito" nag bago ang tono nya.
hindi ko alam pero kusang humakbang ang mga paa ko at nag padala ako ng tuluyan sa kanya. Nakatingin lang ako sa kamay ko na hawak nya.
=0=
"kahit ang dungis mo, ang ganda mo pa din." nasa tagong lugar kami sa garden ng School. Nakaupo kami sa damuhan.
"Hindi mo ako Kailangang tulungan." inagaw ko sa kamay nya ang wet wipes. Pero kinuha nya ulit. "ano ba?!" inagaw ko ulit.
"bat mo ba toh kinukuha eh akin toh. A.KIN" tinaas nya pa at nilayo. Parang bata!
Marahan nyang pinunasan ang mukha at braso ko. "Hindi mo yan malilinis sa padahan dahan lang" kumuha ako ng isa at pinunasan ko din ang mukha ko.
"TEKA! grabe ka naman makahagod sa mukha mo. Balak mo bang tanggalin yan. Wala ka nang mahahanap na mas maganda pa jn!" pinigilan nya ang kamay ko.
"ah." bahagya akong napainda sa sakit dahil hawak nya ang braso ko.
"hmm? Bakit?" tinignan nya ang braso ko. Dumilim ang mukha nya. At hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa.
"AAAAH!" mahigpit nyang hinawakan ang braso ko. Kaya napahiyaw ako sa sakit. Binitiwan nya lang iyon nang makita nyang maluha luha na ako. "Hayop ka" bulong ko. Naabot ng kamay ko ang lagayan ng wet wipes at pinang hahampas ko sya.
"Hahahaha" tumatawa pa talaga sya! Mas lalo kong nilakasan hanggang sa mapagod ako.
"tapos ka na? Pfft" lakas mang urat! Hahampasin ko sana ulit sya pero nasalo nya ang kamay ko. "tama na nga yan" may nilabas syang box sa bag nya. May dala syang first aid kit.
"teka bat may dala kang pang BP?" nasilip ko sa bag nya.
"para ready lagi. Mahirap na baka kuhain ako ni kamatayan at least pwede ko pang maiwasan kahit papaano" marahan nyang pinahiran ang mga sariwang sugat ko.
Nakakainis yung ginagawa nyang pag iingat! "masakit ba? Mag dadahan dahan ako" tanong nya. Naiinis ako! Kinuha ko ang alcohol at binuhos yun sa braso ko. Dinama ko ang sakit.
"Ano ba Nyx? Pinaparusahan mo ang sarili mong katawan eh." mabilis nyang kinuha ang alcohol.
Tumayo ako "wag mo na akong pakikialaman ulit! Una at huling beses na toh. Lumayo ka na sakin" lumakad ako palayo sa kanya.
"saan ka pupunta?" hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta makaalis lang akosa lugar na ito ayos na.
ICARUS'S POV
Hindi ko maintindihan kung bakit nya sinasaktan ang sarili nya. "Nyx walang Huli!" sabi ko sa kanya habang hindi pa sya nakakalayo.
Tsk!
Tumayo ako at sinundan ko sya.
"hindi ka ba titigil?" tanong nya.
"Hindi po" sagot ko. Nakakatakot talaga sya minsan." saan ka pupunta Nyx?" tanong ko ulit.
"stop calling me Nyx. We're not close" oo nga noh. Kaya ang ginawa ko mas dumikit ako sa kanya,yung wala na talagang space sapagitan namin. "oh Ayan close na tayo"
"Ano bang Problema mo Feist!" nang gigigil na ata sya sa akin?
"ayaw mo bang lapit ako ng lapit sayo?" tanong ko.
"Obvious ba?" tanong ako tanong din sya. Di ka naman gaya gaya. "Hindi. Ang ayaw mo kase Near ako ng Near. Pffft! Hahahahaha"
Ang galing ko talaga mag joke.
"Seriously? Ang corny mo" binilisan nya ang pag lakad.
"Nyx. Antay!" kaya binilisan ko din ang hakbang ko.
Nakalabas na kami ng school pero di ko pa din alam kung saan kami pupunta.
=0=
"Nyx kanina pa tayo nag lalakad ah. Saanba talaga tayo pupunta?" pagod na ang mga paa ko. At medyo hirap na din akong huminga ng konti.
"umuwi kana at iwan mo ako dito!" sagot nya ng hindi man lang ako nililingon.
"May pupuntahan ka ba talaga?" tanong kp ulit.
"Wala" tipidna sagot nya. Doonna ako napahinto sa pag lalakad. "Ano?! Sana sinabi mo agad!" hay! Ang babaeng ito. Hinila ko ang kamay nya. Ayan nag rereklamo na naman sya.
"Bitiwan mo nga ako!!!" pilit nyang hinihila ang braso nya. Buti na lang batak ang muscle ko.
"kahit anong Hila mo jn di mo ako kaya. Nakikita mo ba ang mga muscle na yan huh." pinakita ko ang braso ko.
"buto lang ang nakikita ko! Let me go" nag pupumiglas pa din sya.
"hindi ko akalaing masasabi mo yan. Baka masaktan ang maganda kong katawan." hila hila ko pa din sya.
"wala akong paki-alam" -Nyx
=0=
"wala pang tao dito,lahat sila nasa school kaya ito tahimik" dinala ko sya sa condo unit namin. "nandun ang Bathroom pwede ka nang maligo dun." inabot ko sa kanya ang towel. "ipapahiram ko sayo yung damit ng kaibigan ko, mag kasing katawan naman kayo, sexy ka lang ng konti"
"oo na!" tinanggal nya ang mga hikaw nya sa tenga, labi at ilong. "Okay ka na ba?" nag aalala kase talaga ako sa kanya.
"at bakit hindi?." pumasok na sya sa Bathroom.
Umupo ako sa sofa at tumingin sa kisame. Bumalik sa utak ko ang nangyari kanina. My hands turned into fist. Kung paano sya alipustahin ng mga tao sa School na iyon. Nakakagalit.
"Boss?..." napalingon ako sa pinto. Si "oh Dart di ba may pasok ka ngayon? Bat Andito ka?" tanong ko.
"Nag karoon ng emergency meeting ang mga teacher kaya pinauwi lahat ng mga Students. Nag karoon na naman kase ng rumble sa harap ng school mismo. Sangkot ang ilang mga students at may mga napahamak kaya iyon na alarma sila. Linggo linggo na kase eh" paliwanag nya.
"dapat hindi nila kayo pinauwi. Di nila siguradp kung sa bahay kayo didiretso. Tignan mo ikaw dito ka sa tambayan" umupo sya sa sofa katapat ko.
"wala kaseng tao sa bahay boss kaya ito dito na muna ako. Gusto mo ng juice?" pag aaya nya.
"beer will do" sagot ko naman.
"ha ha ha! NO! Tinanong namin sa mama mo kung ano yung bilin ng doctor. Kung ano yung bawal at pwede Lang sayo" hinagis nya yung canned Juice sa akin.
(╯3╰) "kainis naman oh" ininom ko din naman yung bigay nya.
"teka boss kelan ka pa natutong mag hikaw ng ganito kadami?" tinuro nya yung mga Hikaw ni Nyx nakalagay sa maliit na Mesa SA harap namin. "at ang l-laki pa!" nilapit nya ang mukha sa akin para suriim ito. "wLa ka namang butas ah... Eh kanino toh? (◐.̃◐)?"
"Feist?" lumabas na si Nyx sa Bathroom. Napatingin ako sa kanya pero...
Wow... (=゚Д゚=)
I can't utter any words. Nanuyo ang lalamunan ko. Ni hindi ko malunok ang sarili kong laway.
"N-N-Nyx?" nakasuot lang sya ng towel. Walang make up sa mukha. But still... She's so beautiful, pretty, cute and gorgeous.
Kaya na patayo ako.
"yung damit?" tanong ni Nyx
to be continued...