"Jhanina Totoo ba? Na kaya mo tinangap ang maging Model ng San Diego dahil tinangal ka ng San Mig bilang Model nila?" Napatingin ako sa lugar nila Celeste. Nakita ko na nakangiti ito. Kaya nakaramdam ako ng Inis dahil alam ko na ito na naman ang nagbigay ng issue na yun. Ngumiti ako sa media na nagtanong. "Actually Hindi totoo yun. Ang totoo hindi ako tinangal ng San Mig tapos na Ang Contract ko bilang Model nila. Dating na naman na taon taon nagpapalit ng model ang San Mig. Kaya naman tinangap ko na maging Model ng San Diego dahil noon pa nila ako inaalok bilang model nila at Isa pa kaibigan ko din Kasi si Carter." Sagot ko dito. "Jhanina. Kaya kaba nag model sa San Diego Liquor para mapalapit kay Carter kaso si Rey lang ang pumansin sayo ang best friend ni Carter kaya si Rey Ang ginami

