Precious POV
Matapos kong mag panggap na naglilinis ng Cr ay lumabas din ako agad.
'Buti nalang talaga at malinis ang banyo dito sa office ni Sir Andrew. Tsk.
Mapapalinis ako ng bowl ng di oras dahil sa mokong na yun eh!'
"Oh, tapos kana?" salubong na bungad sakin ni Ma'am Judith. Tumango naman ako saka naglakad palapit sa kanya. " Isulat mo lahat sa ibang papel ang mga ito. Ilagay mo sa ibang folder tapos ibigay mo kay Mr. Aljon pag tapos kana." naka ngiting aniya saka binigay sakin ang isang folder na black. Tinanggap ko naman agad 'yon at saka ngumiti pabalik.
Honestly, Thankful ako dahil mabait ang mga boss ko lalo na itong si Ma'am Judith at Sir. Andrew.
"Ahmm, Miss Judith. Saan ko po matatagpuan si Mr. Aljon?" nang maalala kong hindi ko nga pala kilala yung Aljon na tinutukoy niya sinamantala kona ang pagkakataon para mag ask. Hehehe.
" Oh, hindi pa ba kayo nag meet?? " gulat niyang tanong. Umiling naman ako bilang sagot. " Really. Don't cha worry he'll be back after niyang magpalit. Babalik na rin yun maya-maya lang." tumango nalang ako dahil wala na rin naman akong sasabihin.
Habang naghihintay sa pagbalik nung Aljon kuno ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pag susulat.
Sinulat kona lahat ng dapat isulat. 1Folder lang naman yun kaya mabilis kong matatapos.
Sino kaya si Aljon?? mataas kaya posisyon nun dito Scyneth Comapany? kasi kung hindi naman, bakit kailangan pa niya ng mga copy nitong folder na 'to diba?
Hmm. wait ko nalang siguro.
lumipas na ang dalawang oras.
Dalawang oras na ang nakakalipas pero wala parin yung Aljon na tinutukoy ni Miss Judith. Lunch break na!
"Ahm, excuse me Ma'am Judith. Pwede po ba akong bumaba muna? bibili lang po ako ng food ko for lunch." paalam ko kay Ma'am Judith. Naka upo siya sa Swivel chair ng fiancee' niya. Matapos niyang tumango tanda ng pag-payag ay agad na akong umalis at tinahak ang 3rd floor.
Nasa third floor kasi ang resto dito also known as canteen.
Ang layo ng resto sa 60th floor office ng Boss ko diba? parang galit na galit, gustong manaket.
Pagdating sa baba ay agad akong pumasok sa loob.
"Isa nga pong egg, bacon and hotdog, Please." sabi ko sa bantay. Tinaasan niya ako ng kilay kaya inulit ko yung order ko. Baka hindi nya ko narinig e hehee.
" One egg, bacon and hotdog, please." hindi parin siya kumilos sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatingin lang sakin habang nakataas ang isang kilay.
'luh, problema nito? bingi lang?'
Nainis naman ako kaya nilakasan kona ang boses ko.
Yung tipong maririnig kahit nasa labas ka. tsh.
"ATE ISA PONG ITLOG, ISANG BACON, AT ISANG HOTDOG. Uulitin ko pa??" naiinis ko na talagang sabi.
Bwisit tong bantay na 'to! batuhin ko ng tabo 'to makita nya.
"Sorry wala kaming ganyang tinda dito. Anong tingin mo sa restaurant na 'to?? karindirya?? pang pulubi ang mga paninda?" napamaang ako sa sinabi niya.
Aba! maka judge naman 'tong tabachoy na 'to, mukha naman bisugo.
'Kelan pa naging pang pulubi ang pagkain na Egg, bacon, and Hotdog??? mostly kaya ‘yan ang breakfast ng mga mayayaman.'
"Grabe ka naman maka pulubi te. E yan kaya halos karamihan ang breakfast. " dipensa ko sa kanya.
"O well, hindi na umaga, tanghali na. Saka bakit ba kasi dito ka nabili ng mga pagkaing pang kauri mo?? lakas ng loob mong bumili dito ng pagkain-- di naman afford ng budget mo." Mataray niyang sabi.
Aba! sumosobra na 'tong babaeng 'to ah. Kung maka lait kala mo kinaganda niya.
"E bakit ba kasi ang dami mong tanong? taga benta ka lang din naman dito ah. Saka wag mo nga ma damay-damay ang budget ko diyan sa kaartehan mo. O e ano naman ngayon kung yun lang kaya ng budget ko pambili ng pagkain ko? bakit bibigyan mo ba ako ng pera para sa daily expenses ko?"mataray din na tanong ko. " Di bale sana kung sasagutin mo lahat ng mga bayarin ko- Baka sakaling matuwa pa ko sayo. tsh, makaalis na nga at baka mahawa pa'ko sa sakit mong kaartehan. " prangkang sabi ko. Tatalikod na sana ako nang marinig ko siyang bumubulong.
"Iba na talaga mga pulubi. Walang magawa sa buhay. Hysstt" dinig kong sabi niya kaya binalikan ko siya.
"Oy palakang hilaw! okay na ang pulubing hindi maarte, kaysa naman sa wala na ngang hitsura--- lakas pa kung mag-inarte." sabay talikod at labas ng canteen.
"Bwisit na tinderang 'yon! gusto ko lang naman ay maka kain ng pang tanghalian tapos... tapos lalaitin pa niya ang pagiging mahirap ko, hmp! ang sama nya!" inis na bulong ko.
"Gusto ko lang naman maka kain ng paborito kong, egg, bacon at Hotdog! tapos naudlot pa. Grrrhh! gusto ko siyang tirisin! gusto ko siyang sabunutan tapos itapon sa sapa!! perooo whuaa huhuhu nagugutom nako usto ko ng Hotdog." nakabusangot kong sabi.
"Oh ano?? tapos mo na ba siyang torturin sa isip mo?"
"Ay hotdog mong malaki!" napatalon ako sa gulat nang may biglang bumulong sa tainga ko. Huli na nang marialize ko kung ano ang sinigaw ko.
GIZZZZZ!! nakakahiya!!!
'Huhuhu!! bakit ba napaka malasss ko whuaaa Floorrrr swallow me hard! right here! right now!!! pleaseeee!!! '
Nailibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng canteen at pinag-sisihan ko lang kung bakit ko pa 'yon ginawa whuaa huhuhu
Gusto kong malugmok nalang ngayon sa kinatatayuan ko
Gusto kong lamunin nalang ako ng sahig na tinatapakan ko ngayon!!
WHUAAAAAA!!
LAHAT SILA NAKATINGIN SAKIN NG PARANG NAWIWIRDUHAN
Oh me geshhh
Huuhuhuhu bakit ko ba kasi ‘yon sinigaw?
Sobra akong nahihiya dahil talagang lahat sila nakatingin sakin, yung iba pa na nakaupo ay nagpipigil ng mga tawa, yung iba naman ay masamang nakatingin sakin,
Hutaaa!! FROM NOW ON! I HATE YOU na HOTDOG! I don't wanna eat you anymore! you put me at embarrassment.
"Hehehe... Y-yung H-hotdog kako nung tindero malaki. " napapahiyang sabi ko sa kanila.
"HAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawanan ng lahat. Napa sapo ako ng noo nang muli kong marealize ang katangahang sinabi ko!
WHUAAAAA AYOKO NA SA EARTH!
'Ano bang pinagsasabi mo Precious! ano-ano nang nasasabi mo dahil dyan sa kaka w*****d mo. '
'Lorddd naman pleaseee save me from this embarrassing moment! I realllllyyyyy realllyyyy wanna get out of hereeeee huhuhuhu'
"Jowwkkk lang! hehehe. M-malaki kako yung tindang hotdog dun sa kabilang kanto. Kaya lilipat ako, tama! tama! do‘n kila aling nena may malaking hotdog hehehe. Babushh!" sabi ko saka nagmamadaling lumabas ng canteen at bumaba ng ground floor!
Whoo! grabe grabe.
"Whoa! sobrang nakakahiya yun Press, ah. your'e so stupid. Imagine napahiya kana ng isang beses-- inulit mo pa? ganon ka katanga self." sabi ko pa sa sarili ko habang naka duro sa may bandang dibdib ko.
"Aba naman malay ko bang may mang-gugulat sakin ng ganon." sagot ko sa sarili ko. Saka ko naalala yung lalaking nang gulat sakin kaya ako napahiya ng ganon hmp!!
Kasalanan nya lahat 'to eh.
kung hindi niya ako ginulat edi hindi sana ako napahiya.
" Humanda ka saking mokong ka pag nakita kita, hmp!" Sabay flip ng hair ko.
Napalingon ako sa mga taong nakatingin sakin habang nagbubulungan, and again and again..
ISANG NAKAKAHIYANG PALABAS NA NAMAN ANG GINAWA KO
Kausapin ko daw ba ang sarili ko sa gitna ng daan?
Sobra na, sobrang kahihiyan na talaga ang inabot ko ngayong araw na'to.
"H-hi! If you guys are thinking that I'm crazy, nahh It's not like that. I am just practicing my line in the story that I'm going to play at my school. Hehehee. okay ba ang performance ko?? oh, Good thank you." pagkukunwari ko.
Mukhang effective naman dahil ngumiti sila sakin ng may pag-hanga.
bwuahahaha galing ko talaga
****
Matapos kong kumain sa labas ay agad din akong bumalik sa 60th floor, sa office.
Naku naman syempre kailangan ko parin pumasok kahit na puro kahihiyan ang inabot ko kanina no. Bawas sweldo rin yun kung hindi ako bumalik ng tanghali.
"Heyy, Precious. Bakit ngayon ka lang? nakaalis na si Mr. Aljon. Hindi tuloy kayo nag pang-abot." bungad sakin ni Miss Judith habang naka nguso pa.
"Hehe. Sa ground floor pa po kasi ako kumain sa labas ng building. Wala daw po kasi silang tinda nung ulam na gusto ko sa canteen. Kaya sa labas nalang po ako bumili. Pasensya na po" nagpapasensyang sabi ko.
Nakakahiya naman.
"It's okay. Nagmamadali rin si sir Aljon kaya hindi kana niya nahintay." nakangiti niyang sabi kaya ngumiti na rin ako. Pero napakunot ang noo ko nang marialize ko ang sinabi nya.
"E bakit daw po niya ako hinihintay?? " tanong ko.
"Ah, I told him to wait for you. But he said he has a meeting to attend e kaya agad din siyang umalis." paliwanag niya kaya napa tango nalang ako.
" How about the folder?? I thought he need it until today afternoon? nakuha ba niya sa table?" nag-aalala kong tanong.
'Jusku! kapalpakan mu yan press! nokarin nokarin ka kasi mumunta. whuaaa lagot ako pag natanggal ako sa trabaho dahil sa kapabayaan ko huhu.. Minsan na nga lang ako maka hanap ng among ganito kababait at maunawain--- masasayang pa huhu'
"Hayyy nako Precious. Wag kana mag-alala riyan dahil ako na ang nag bigay sa kanya kaninang wala ka pa. Pasalamat ka at good mood siya ngayon. Kundi naku! sigurado ako na uuwi ka ngayon ng luhaan at nagliligpit ng mga gamit, wala ng susulating napaka raming paper works! hahaha. Dahil paniguradong sisisantihin ka non. Ang sungit kaya non, himala nga at nakangiti yun kanina-- minsan nga lang sa isang taon namin yun makitang naka ngiti." mahabang sabi nya. Naka ramdam naman ako ng pag-asa at the same time ay kaba. Kinakabahan ako dahil sa mga nalaman ko.
pano kung sa susunod na punta niya dito maisipan niya akong sisantehin?
'Wuaaa masungit pala yung Aljon na tinutukoy nya? saka ano bang katayuan non dito sa kumpanya at bakit nagtatanggal sya ng mga empleyado? Mas mataas kaya ang posisyon nya kaysa kila Sir. Andrew at Miss. Judith?? saka sino kaya sya? huhuhu. Kinakabahan ako bigla.
To be continued.