MEETING 10

1404 Words
"Nagmamadali ka ba?" tanong nito pagkalapit sa lamesa namin. Sya ang pinagbayad ko dahil anak nya to. Baka putulan ko sya ng kargada sa pagpagod nya sakin. "Oo! Nagugutom na ako! Ang tagal! Ang tagal tagal!" naiinip kong sambit sa kanya. "Calm down! Dadating din yon!" "Nagugutom ako Mr. Saavedra! Hwag mo kong mapakalma kalma!" "Ang init ng ulo mo!" "Ayan na!!" Nakangiti kong wika at nakita ang mga crew na palapit sakin, unang inilapag nila ang friend chiken na may kanina. "Ayaw ko nyan! Nasan ang alaking ko?" tanong ko. "Here po Mam!" inilapag sa harap ko ang limang Alaking. "Thank you!" umalis na sa harap ko ang mga crew! May Ice cream at fries din sa harap ko. pero nilantakan ko ang alaking na nasa harap ko. "Hey! Slowly!" sambit ni Von, kumakain din sya pero fried chicken ang kanya. "Ahng khulest mo! Gu-tom nga a-ako!" sabi ko habang puno ang bibig ko. "Don't talk!" sambit pa nito. Inirapan ko sya sa sobrang inis ko sa kanya. "Eat! Ubusin mo! Mukhang napagod nga kita" "Von?" rinig kong may tumawag kay Von. dahan dahan akong lumingon, "Klaire!" patay si Sab! "Dude! anong ginagawa nyo dito?" tanong nung Nikko, boss ata ni Sab. "Kumakain?" patanong na sagot ni Von. "Boss kumakain hindi ba obvious?" umupo si Sab sa tapat ko, pati ni nikko sa tapat ni Von. "Klaire! Mauubos mo yan?" tumango ako. "Ginugutom nyo ba tong kaibigan nyo?" tanong ni Von sa kanay. Inapakan ko nga. Namilipit naman ito sa sakit. ngumiti lang ako kay Sab. Iba ang tingin sakin ni Sab, tingin na parang may ibig sabihin. "Dadalhin ko na si Klaire! Ako na magpapakain sayo! Maraming pagkain sa bahay!" Hinila ako ni Sab palabas ng fastfood. Ngumunguya pa ako, nilunok ko ito. "Sab!" "Mamaya Klaire! Magtutuos tayo!" banta nito sakin, nag abang kami ng Taxi, sumakay kami at tahimik lang kami. Binaba ako ni Sab sa Condo ni Rose. "Tara Klaire!" Binayaran ni Sab ang Cab at hinila ako papuntang unit ni Rose. "Andyan ba si Rose?" "I already texted her! Papunta na din si Alex!" "Tungkol ba saan to Sab?" tanong ko. "Sab! Klaire! Come in!" pinapasok kami sa loob ni Rose. Mukhang mahaba habang paliwanagan to. Pinakain nga ako ni Rose, umorder pala sya sa mcdo ng madaming pagkain. Habang kumakain ako sa dining table ni Rose ang sya namang pagdating ni Alex kasunod si Charles. bakit kailangan andito pa si Charles? Pumunta silang lahat sa tapat ko habang ako ay kumakain. "Ano yung nakita ko Klaire Iris?" tanong nya sakin, nasamid ako inabutan naman ako agad ni Rose ng tubig. "Nakain lang, bawal ba yon?" tanong ko dito. "Sino ba yun?" Nagtatakang tanong ni Charles. "Bakit ka kasi andito?" inis na tanong ni Sab. "Magkasama kami sa office ni James with Alexa kaya pinagmaneho ko sya, dito din naman ako pupunta" paliwanag nito. "Wag nyo na lang syang pansinin" sambit nito, kumain na lang uli ako kasi nagkukuwentuhan pa sila. "Mabalik tayo kay Klaire! Ano yung nakita ko? Klaire!" tanong uli ni Sab. Nilunok ko ang nasa bibig ko. "Nilibre nya ako ng food ni Von!" "Von? my friend?" tanong nito, tumango ako. "Kanina lang, tapos nakita kami ni Saba t nikko na kumakain sa mcdo, nagutom kasi ako" "Klaire!" naiinis na si sab, siguro iniisip nya na hindi matino ang sagot ko. Uminom ako ng tubig. "Okay Fine!" lumunok ako at huminga, tinignan ko sila nag aabang sila sa sasabihin ko. "I'm pregnant" paalam ko sa kanila. "Kaya pala ganyan ka kung makakakain, tapos lumapad ang balakang mo, may laman na pala" saad ni Rose. "Sino Ama? Don't tell me it was Von?" tanong ni Charles, tumango ako at kumuha ng fries. "So yun na yon? Alam nya ba?" tanong ni Alex, umiling ako "Bakit ka nya pinakain?!" tanong ni sab "Nagutom kasi ako!" sagot ko "Magkasama kayo?" tanong nitong muli. tumango ko. "Tapos hindi nya pa alam na magkakaanak na kayo?" tango ako muli. "Bakit parang kalmado ka lang?" nagtatakang tanong ni Rose. "Wala naman akong pake sa kanya, kay kuya pa ako mas nag aalala kapag nalaman nya" saad ko sa kanila at patuloy na kumain. "Anak ni Von yan Klaire! Anak ng bilyonaryo" saad ni Charles. nakita kong kumakain na din ang girls ng fries. "Ano naman? Kaya kong buhayin ang anak ko" "Tingin mo ba Klaire papayag ang kuya mo?" napaisip ako sa tinanong ni Alex. Umiling ako. "Hindi!" maikli kong sagot. "Paano kung magtanong kung sino ang Ama nyan?" tanong naman ni Charles. "Sasabihin ko patay na!" sagot ko. Hinampas ni Charles ang Lamesa nagulat ako. "Chales!" "Anak yan ng kaibigan ko Klaire! Hindi ako papayag!" banta sakin ni Charles. Sumasakit ang ulo ko sa Apat na to. "Charles!" saway ni Rose "Hayaan mong sila ang umayos nyan!" "No Rose! Parang pinapalabas ni klaire na hindi sya papanagutan ni Von! na kaibigan ko." "Yun na nga!" tumayo ako. "Baka hindi nya ako panagutan at ipalaglag lang ang bata!" anas kk sa kanya, pinakalma ko ang sarili ko. "Alam ni Mama na nagdadalang tao ako! Bubuhayin namin ni Mama ang bata ng walang tulong ng Ama!" sambit ko kay charles at naglakad palabas ng unit ni Rose. Hindi ko naman ipagdadamot sa kanya ang bata pero wag nya naman akong pangunahan. Nagpara ako ng taxi at umuwi ako sa bahay. Sinalubong ako ng yakap ni Mama. Umiyak ako sa bisig nito. "Anak anong nagyari? Bakit ka umiiyak?" "Ma! Paano ko sasabihin sa Ama ng baby ko na buntis ako?" iyak ko kay Mama "Anak wag mong ipressure ang sarili sa ganyang bagay, alagaan mo ang sarili mo yun ang importante. Akal ko ba hindi mo kilala ang ama nyan?" tanong ni Mama umiling ako. "Kilala ko Ma! I'm sorry nagsinungaling ako!" "Sabihin mo sakin kung sino" humiwalay ako sa pagkakayap ni Mama. "P-pinsan ni Ate Irene!" utal kong sagot "Yung Best man ng kuya mo nong kasal?" tanong ni Mama. Tumango tango ako. Niyakap ulit ako ni Mama. "Hay naku! Malaki na nga talaga ang Baby girl ko! Hindi ko maisip na magkakaapo na ako sayo anak!" "Ma!" anas ko. Humiwalay si Mama sakin. "Hindi mo sya kailangang isipin anak! Ikaw lang ang tanging makaksagot nyan! ngayon kumain ka muna at baka magutom ang apo ko dyan sa tyan mo" pagpapagaan ng loob sakin ni Mama. Pumunta ako sa lames at kumain, may prutas at spaghetti. Mahal na mahal talaga ako ng Mama ko. Paano na lang kung malaman ni kuya ang pagbubuntis ko. Siguradong hahanapin nya ang nakabuntis sakin. Pagkatapos kong kumain umakyat na ako at naghugas ng katawan. Hindi ko alam kung bakit inaantok ako dahil sa pagod siguro. -- "Klaire! Anak!" Nagising ako sa katok ni Mama. Bumangon ako at binuksan ang pinto. "Bakit Ma? May nangyari ba?" tanong ko sa kanya. "Anong oras na?" "Hindi ko alam! Kakagising ko... sandali ma! May work pa pala ako" naligo na agad ako at nag ayos ng saril ko. Dapat pa ba akong pumasok sa office ni Von? Baka s*x na naman ang sumalubong sakin "Arghhh ano ba tong iniisip ko" hinampas ko ang ulo ko sa iniisip ko. "Maaaaaa!" tawag ko. "Papasok na ako!" paalam ko "Hindi ka ba muna kakain?" tanong ni Mama. "Sa office na lang po!" Lumabas na ako ng bahay. Pagdating sa office nagdadalawang isip ako sa pagsakay sa elevator. Baka bigla na lang akong mawalan ng malay sa loob. Hindi ko kaya. "Come! I'll be with you!" hinila ako papasok sa loob ng elevator ni Von. Umandar na ito, mahigpit akong napahawak sa bisig nito. "It's okay! I'm here!" Nakalabas ako ng elevator na hindi ganoon ang pagkahilo ko, pero ipinahinga ko muna at ibinalanse ang katawan ko bago naglakad. "Aalalayan kita!" "I'm okay Sir! Kaya ko!" Boss ko si von, hindi naman ako lampa nahilo lng naman ako. "Klaire!" "Kaya ko Von! May mga empleyado ka!" saway ko sa kanya. "Ano naman! Ako ang boss nila! I can fired all of them!" "Von!" "Just let me help you!" Inalalayan nga ako ni Von. Habang naglalakad kami ay nakatingin samin ang mga empleyado nya. "Klaire!" wala na akong nagawa. Ipinasok nya ako sa loob ng office at idineretso sa kwarto sa loob. "Von!" anas ko sa kanya "Anong-" "It will be quick!" Hinubad nya agad ang suot nyang damit. "Von! Wag muna ngayon! plss!" "Klaire! Just give a round!" "Von pls! Hindi ko kakayanin ngayon Von!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD