Hawak niya ang hinabing lagayan na pailaw sa madilim na silid. Hindi naman talaga niya kailangan ng pailaw dahil ang loob ay naiilawan na ng malamlam na liwanag ng mga halamang sadya niya rito. Ang mga tangkay nila ay sobrang maliit at manipis at sa bawat dulo ay matatagpuan ang bunga na hugis patak ng luha. Marami pa rin ang mga puting bunga, na tanda ng pagiging hilaw nito. May ilang mga pula na, ibig sabihin ay malapit na sa kahinugan. At mayroon mga itim na handa na para anihin. Maingat niyang pinipitas ang mga hinog na bunga ng mambulong dahil napakasensitibo ng mga tangkay nito. Kapag nasira na ay hindi na ito makakapamunga pa ulit. Inilagay niya sa sisidlan ang mga bunga na nakasukbit sa kanyang baywang. Nang madiskubre niya ang yungib na ito, laking tuwa niya dahil sa wakas ay

