Dinala si Nanilyn sa isang lugar kung saan tago at ang mga dumukot lang ang nakakaalam. Ibinababa siya sa sasakyan na walang malay. Doon nga ay nakabuntot at nakikita ni Jules. Kung kaya agad siyang kumilos. Ngunit bago 'to bumaba ng kanyang sasakyan ay nagsukbit siya ng isang kalibre ng baril sa kanyang likurang pantalon. "Mukhang kakailanganin ko 'to." Aniya pa ni Jules sa kanyang sarili at nagmadaling bumaba ng sasakyan. "Uy, P're. Ano'ng ginawa mo?" takang tanong ng isa sa mga dumukot kay Nanilyn dahil nakita nitong nagtatanggal ng damit pang taas ang kasama nito. "Di-dispatyahin din naman natin 'to. Kaya bago pa mangyari 'yon. Pagsawaan na natin. Minsan lang 'to. Saka sabi naman ni Ma'am bahala na raw tayo." Sagot ng kasama nitong isa-isa ng nagtatanggal ng damit. "Wala sa usapa

