“Wow! You look so beautiful, Nanilyn,’’ hindi mapigilang komento ni Jules nang makalapit ang babae sa kanya. “S-salamat, Jules,’’ alanganing ngiti ang binigay ng babae sa kanya. Iniiwas niya ang kanyang paningin dahil siiya makatingin nang direkta. Pakiramdam kasi ni Nanilyn sobrang nagkulay kamatis ang kanyang mukha. Hindi kasi siya na sanay na may ibang lalaking pumuri sa kanya maliban kay Kyko noon. Nakaka-intimidate naman kasi ang paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Jules. Namayani ang na ilang segundong katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Pareho silang nakatayo sa gilid ng ginawa nilang picnic blanket. Kung titingnan silang dalawa o sa mata ng ibang tao daig pa nila ang tunay na magkarelasyon lalo na ang malalam na mata ni Jules na nakatitig sa mukha ng babae. Ang liwanag mula sa n

