Plano!

1113 Words
Kasalukuyang nasa terrace si Jules at nakatanaw sa bahay kung saan niya hinihinalang naiwan ang kanyang panyo. Hanggang sa nakita nitong may lumabas na sasakyan mula sa gate ng bahay na gusto niyang pasukin. 'Mukhang wala ng tao sa bahay. Dahil ni-lock nila ang gate at ang pintuan ng bahay nila. Ito na ang pagkakataon ko para makapasok muli at makuha ang pag-aari ko." Saad ni Jules sa kanyang isipan habang gumagamit ng telescope. Dali-dali itong lumabas ng kanyang bahay at naglakad patungo sa bahay na papasukin niya. Dumaan siya sa likod ng bahay na may pinakamababang pader at doon nga umakyat siya sa pader at lumundag pababa. Kung saan siya dumaan kahapon palabas, doon din siya pumasok sa bintana ng CR nang babae. At nakita niyang wala roon ang kanyang panyo sa banyo . Kung kaya pumasok siya sa loob ng silid ng babae. Tahimik ang buong paligid. At doon nga ay nagkalkal siya sa mga aparador nito pati sa ilalim ng kama at sa maliit na lamesa na may maliliit na lalagyan. Ngunit hindi niya nakita roon ang hinahanap nitong panyo. Kung kaya napagpasyahan niyang magtungo sa iba pang silid. Isa-isa niyang binuksan ang mga aparador. Muli ay nagkalkal siya. Hanggang sa may makita siyang bolt. Doon ay kumunot ang kanyang noo. 'Pano kung nasa loob pala ng bolt na 'yan ang aking panyo? Paano ko 'to mabubuksan?" tanong pa nito sa kanyang sarili at sinubukang buksan. Ngunit sa bawat pagpihit at pagpindot niya ay mali ang password at hindi niya talaga alam ang password. Kung kaya nakaramdam siya ng inis. 'Nasaan kaya ang babaeng 'yon?" naiinis na tanong nito at muli ay isinara ang pintuan at naglakad-lakad patungo sa sala. At nagbaka sakaling nahulog niya roon. Hanggang sa makakita siya ng isa pang silid. 'Bakit may silid dito? At ano ang laman nito?" tanong niya muli sa kanyang sarili na nahihiwagaan. Pinihit niya ang siraduhan. Ngunit hindi niya 'to mabuksan at mukhang kailangan ng susi. Samantalang habang nakapikit si Nanilyn ay naka rinig siya ng pagpihit ng siraduhan kung kaya nagsisigaw ito. "Tulungan niyo ako!" sigaw niya ngunit hindi 'yon gaanong marinig at maintindihan ng taong nasa pintuan. Dahil sa nakataling necktie sa bunganga niya. Kung kaya pilit siyang tumayo mula sa upuan na nakatali sa kanyang katawan. At 'yon ang kanyang ginalaw-galaw upang makalikha ng ingay. "Kung ayaw mabuksan. Edi huwag. Baka stock room lang 'to," saad ni Jules sa kanyang isipan at aalis na sana nang bigla itong makarinig ng kalampag sa loob ng silid na 'yon. "Ano'ng meron sa loob? Tao ba?" gulat na tanong nito sa kanyang sarili. "May tao ba riyan?" tanong pa nito at kinalampag niya ang pintuan bilang senyales. Dahil sa boses na nanggagaling sa pintuan ay muli siyang gumalaw at binuhat ang upuan. Ilang beses na hinampas o winasiwas ang upuan sa pintuan bilang tugon na gumagawa ng ingay. "May tao nga," saad ni Jules dahil sa narinig nito mula sa loob ng silid. Ngunit nang susubukan na sana niyang sirain ang pintuan ay narinig niya ang sasakyan mula sa labas. "Mukhang nakabalik na sila. Ang bilis naman nila." "Babalikan kita pangako. Kailangan ko ng umalis." Paalam ng lalaki at muling nagtungo sa silid ng babae. Upang doon lumabas paalis. Nakarinig naman si Nanilyn ng isang boses ng lalaki at sinabing babalik daw ito. Kung kaya na natili siyang nakaupo sa upuan. 'Sino kaya ang tao na 'yon?" tanong pa nito sa kanyang isipan. "Hay, nakakapagod." Reklamo ni Olvie nang makapasok 'to sa loob ng bahay. "Sabi ko sa 'yo, maiwan ka na. At saglit lang naman ako. " Wika naman ni Kyko. "Eh, kasi naman baka biglang sumakit ang tyan ko. Mahirap na. Wala ka sa tabi ko." "Okay, ang mabuti pa ay kumain na tayo. Baka mapasma pa si baby natin." Sabay silang kumain ni Kyko at kitang-kita niya kung paano siya nito alagaan at pagsilbihan. Siya ang naghanda ng pagkain sa lamesa kumuha ng tubig na maiinom pati na rin ng plato. Hanggang sa matapos silang kumain. "Ako ng maghuhugas." Aniya ni Olvie kay Kyko. "Hindi na, ako na. Bawal kang mapagod at ma stressed. Doon ka na at magpahinga." Wika ni Kyko kay Olvie. 'Napaka swerte ko talaga sa lalake na 'to. Kaya dapat ay mapaalis na rito sa bahay si Nanilyn. Para wala na akong kaagaw." Aniya pa nito sa kanyang isipan. "Ah, love. Ano nga pa lang plano mo kay Nanilyn? Tutal magkakaanak naman na tayo. Paalis mo na kaya siya rito. Para naman hindi ako ma stress sa kanya." "Kulang pa ang paghihirap niya na natamo niya sa akin. Ang gusto ko habang buhay niyang pagbayaran at pagdusahan ang mga ginawa niya sa aking pangloloko. Isa pa ay dapat malaman ko kung sino ang lalaki niya. Saka kailangan natin ng mag-aalaga kapag nanganak ka na." Sagot ni Kyko sa akin. "Love, paalis mo na siya. Kung naghahanap tayo ng mag-aalaga sa baby natin. Marami namang makukuha riyan. Isa pa huwag mo ng alamin kung sino man ang lalaki niya. Pabayaan mo na siya. Tutal magkakaanak naman na tayo iyon ang importante," saad ko kay Kyko. "Kasal pa rin kami sa papel. Isa pa ay wala siyang mapupuntahan. Saka may pakinabang pa siya sa atin. Higit sa lahat hindi pa ako tapos sa kanya." Sagot ni Kyko kay Olvie. "Love, hanggang hindi mo pinapaalis ang babae na 'yan dito. Pakiramdam ko mahal mo pa rin siya at sa tuwing nakikita ko siya. Natatakot ako na baka anytime puwede ka niyang agawin sa akin." Pag-iinarte pa nito. "Hindi ko na mahal si Nanilyn. Alam kong alam mo 'yan. Dahil ang gusto ko lang ay makaganti, maghirap at magdusa siya. Saka ikaw na ang mahal ko ngayon. Kayo ng magiging anak natin." Saad ni Kyko na hinalikan pa ang noo ni Olvie. "Mahal din kita, Kyko. Mahal na mahal kaya sumama ako sa 'yo at pinaglaban kita kay Nanilyn." "Alam ko 'yon. Kaya nga ikaw ang pinili ko. Kaya sana ay maintindihan mo ang nararamdaman ko. Sige na magpahinga ka na sa loob ng silid natin pumunta ka na roon. At susunod na ako." Walang nagawa si Olvie kung hindi ang sumunod kay Kyko. Pero sa loob-loob nito ay tutol siya sa kagustuhan nito. Dahil ang gusto niya ay mapalayas na si Nanilyn sa buhay nila. Dahil kapag naroon pa ang asawa ni Kyko ay magiging balakid pa rin ito sa kanya. Kahit pa sinusuka pa siya ng kanyang asawa. Kaya napagpasyahan niyang siya mismo ang gagawa ng paraan. Para mapalayas na si Nanilyn at sisiguraduhin niyang hindi na 'to makakabalik. Mayamaya pa ay may dinayal na numero si Olvie at kinausap 'to. "Sige po, Ma'am. Masusunod po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD