SAMANTALA malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Nanilyn. Nariyan ang umupo at humiga siya sa kama. Marahas na napabuntong hininga siya. Tahimik na ang paligid malamang tulog na si Jules. Silang dalawa lamang ang nandito tuwing gabi dahil uuwi ang care taker na namamahala sa bahay ng binata. May pamilya kasi ito at may sakit ang asawa. Tanging huni ng mga ibon at mahinang hampas ng hangin sa bintana ang naririnig ni Nanilyn habang nakaupo siya sa gilid ng kama. Suot niya ang maluwag na puting shirt na iniabot ni Jules kagabi—malinis, mabango, at malambot sa balat. Wala siyang dala na kahit na ano’ng gamit. Marami namang hindi nagagamit na mga damit si Jules na pinapahiram sa kanya. Nalabhan na rin niya ang suot niya nang tumakas sa kanilang bahay. Walang mapagpipilian siya k

