K-Kyko, huwag mo akong iiwan… natatakot ako,” mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Olive nang makarating sila sa isang pribadong ospital. “No, he’s not allowed to go inside. Mr. Torres, you need to wait here,” mariing wika ng doktor. Walang nagawa si Kyko kundi sumunod. “Don’t worry, Olive. Nandito lang ako sa labas, hindi kita iiwan,” pangakong sabi ni Kyko habang marahang binibitawan ang kamay ni Olive na nakahiga sa hospital bed. He was so worried about his child. Matagal na niyang pinapangarap na magkaroon sila ng anak ni Nanilyn, pero hindi ito nabubuntis. Kaya naman halos lumundag ang puso niya sa tuwa nang sabihin sa kanya ni Olive na buntis ito. Simula noon, hinayaan na lang niyang utus-utusan ni Olive si Nanilyn. Kabilin-bilinan kasi ng doktor na huwag hayaang mapagod ang buntis. Sh

