"AALIS ka, Maxene?" tanong ni Rani nang makalabas ako ng apartment. Nasa tapat siya noon ng pinto ng apartment niya at naninigarilyo. Agad niya rin namang pinatay ang sindi niyon nang makita ako . "Oo. Kailangan kong pumunta sa Maynila. Magfa-file kasi ako ng sickness benefit claim sa SSS para mabayaran 'yong mga araw na naka-unfit to work ako. Kailangan papirmahan ko 'yong form sa hotel na pinapasukan ko." "Kaya mo na bang magbiyahe mag-isa? Ang layo ng Maynila rito, freni." "Wala naman akong choice. Sayang kasi 'yong pera. Magagamit ko 'yong panggastos habang hindi pa ako p'wedeng mag-work." "Gusto mo samahan na kita? Sakto day off ko ngayon. Hindi biro ang injury mo, Maxene. Siguradong mahihirapan ka niyang bumiyahe mag-isa papuntang Maynila." "Huwag na, Rani. Hiyang-hiya na ako sa

