MALUNGKOT akong naka-upo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Tyrone na noon ay abala sa pag-iimpake ng mga gamit niya. Mabibigat ang mga kilos niya. Halatang labag sa kaniyang loob ang pag-alis sa bahay ko ngayong gabi. Matapos mag-impake ay naupo siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit. "P’wede bang umisa bago ako umalis?" "Ayoko nga. Masakit pa 'yong ano ko." "I'll be gentle." "Parang hindi naman uso sa iyo ang salitang gentle." Natawa siya sa tinuran ko. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin, na tila ba ayaw akong pakawalan. "Magtanan na lang kaya tayo, Maxene." bulong niya sa teynga ko habang tinutukso-tukso iyon ng halik. Ako naman ang tumawa sa sinabi niya. "Feeling teen ager ka, sir. Tanan talaga?" "Seryoso ako. Gusto kitang makasama araw-araw." Bigla ako

