"THANK you for calling Imperial Hotel. How can I help you?" magiliw kong wika matapos sagutin ang telepono. "Good morning, mahal." Napa-iling na lamang ako nang muling marinig ang tinig ni Tyrone mula sa kabilang linya. Ito na ang pangatlong beses na tumawag siya sa lobby para maka-usap ako. "Ano na naman ba ang kailangan mo, sir?" halos pabulong kong tanong ngunit alam kong sapat ang tinig ko para marinig niya. "What do we have for lunch?" Napakamot ako sa ulo nang maalalang pinagluluto niya nga pala ako ng ulam para sa lunch namin mamaya. "Sorry. Nakalimutan kong magluto kanina. Saka late na rin kasi ako nagising." Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga niya. "Okay lang. Umaakyat ka na lang dito. I want to see you right now." Napatingin ako sa suot kong wristwatch. Alas-diy

