PUYAT at pagod man dahil sa event kagabi ay maaga pa rin akong gumising. Mag-aapply kasi ako ng trabaho ngayon.
Napangiti ako matapos pasadahan ng tingin ang sarili sa harap ng body mirror sa loob ng aking silid. Nakasuot ako noon ng puting sleeveless blouse na pinatungan ng itim na blazer. Tinernuhan ko iyon ng itim ding pencil cut skirt at pointed toe sandals na 3 inches ang taas ng takong.
Mayamaya pa ay kinuha ko na ang shoulder bag na nakapatong sa kama at ang envelope kung saan nakalagay ang ilang copies ng resumè ko.
Una akong nagtungo sa isang 5 star hotel sa Makati. Confident naman ako sa mga sinagot ko sa exams at interviews kaya gano’n na lang ang panlulumo ko matapos sabihin ng recruitment specialist na hindi ako nakapasa.
Pinagkibit balikat ko na lang ang nangyari. Tutal ay wala na rin naman akong magagawa pa. Gagalingan ko na lang sa susunod na mag-apply ulit ako ng trabaho.
LUMIPAS ang isang buwan ngunit patuloy pa rin ako sa paghahanap ng trabaho. Puno na ng frustrations ang dibdib ko ng hapong iyon. Dalawang hotel ang inaplayan ko ngayong araw ngunit wala ni isa ang tumanggap sa akin. Maganda naman ang academic records ko. BS-HRM graduate ako at isang consistent dean's lister noong college. Mayroon na rin akong two-year work experience sa hotel industry pero sadyang mailap talaga sa akin ang salitang trabaho. Hindi ko na nga mabilang kung ilang casino, hotels and restaurants na ba ang tumanggi sa akin.
Bago umuwi ng bahay ay napagpasyahan kong magpunta muna sa isang bar para uminom at magpalipas ng inis na nararamdaman.
Gusto ko na talagang makapagtrabaho ulit. Eighteen years old palang ay ulilang lubos na ako kaya naman sarili ko lang talaga ang inaasahan ko.
"Good evening, miss beautiful." nakangiting bati ng bartender nang maupo ako sa bar counter.
Isang tipid na ngiti ang sinukli ko sa kaniya. "One frozen apple margarita, please."
"Right away, miss beautiful." agad na itong nagtimpla ng drinks.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone ko. Nang makitang si Andrew ang tumatawag ay dali-dali ko iyong sinagot. Hindi ko tuloy napansin ang pag-upo ng isang lalaki sa bakanteng bar stool sa tabi ko.
Si Andrew ang pinaka-matalik kong kaibigan. Mag-bestfriends ang mga mommy namin kaya naman mga bata palang ay super close na kami sa isa't isa. Ang pamilya niya ang kumupkop sa akin noong maulila ako sa mga magulang. Napaka-swerte ko dahil sobrang bait nila sa aking lahat at tinuring talaga nila akong parang tunay na kapamilya.
Umalis lang ako sa bahay nina Andrew nang maka-graduate ako ng college at magkaro'n ng trabaho.
"Good evening, Max. Kumusta ang inaplayan mo? Natanggap ka ba?"
"Hay naku! As usual, wala na naman." puno ng frustration kong bulalas. "Nakakaloka! Isang buwan na akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari. Paubos na nga ‘yong savings ko. Buti na lang nakaka-sideline pa ako kay ma'am Jhossa sa mga parties."
"Chill lang. Makakahanap ka rin ulit ng work."
Napabuntong hininga na lang ako.
"I-send mo na kasi sa akin ang copy ng resumè mo. Ire-refer kita sa hotel na pinapasukan ko."
"Okay, fine. I'll send it to you later."
"Sana matanggap ka para makasama ko ulit ang partner in crime ko."
"Sana nga. O siya, nandito na iyong order ko. Tawagan na lang kita mamaya pag-uwi ko."
"Wait lang. Nasaan ka ba ngayon?"
"Nasa bar."
"Ang daya. Hindi nag-aya."
"Sorry naman. Gusto ko kasi munang mapag-isa. Masyado na akong frustrated sa takbo ng buhay ko."
"Grabe lang. O siya, huwag ka masyado magpakalasing. Ingat ka sa pag-uwi mo mamaya. Or tawagan mo ako kapag ‘di mo kayang umuwing mag-isa.”
"Oo na po, kuya!" Pinatay ko na ang cellphone at hinarap ang paborito kong cocktail drinks.
Dalawang taon ang tanda sa akin ni Andrew kaya naman parang nakakatandang kapatid talaga ang asta niya sa akin. Masyado siyang maaalalahanin at kailanman ay hindi niya ako pinabayaan.
Mayamaya ay narinig ko ang pagtikhim ng isang lalaking naka-upo sa bandang gilid.
"I've heard that you're looking for a job." wika niya tapos ay nilapag sa harap ko ang isang calling card. "P'wede kang mag-apply sa hotel ko kung gusto mo. Kahit anong position ang gusto mo, ibibigay ko sa 'yo."
Sandali akong natigilan matapos marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Agad akong bumaling sa gawi niya. Hindi nga ako nagkamali.
Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay matapos muling makita ang bastos na lalaki sa party last month, 'yong lalaking paulit-ulit na nagpatimpla sa aking ng blow job shots.
"Good evening, Miss Blow Job. It's nice to see you again." nakangiting wika niya sabay kindat sa akin.
Marahas akong napabuntong hininga nang marinig na naman ang bansag niya sa akin.
Nakaka-inis talaga ang lalaking ito. Kahit sa publikong lugar ay gano'n pa rin ang tawag niya sa akin. Bastos talaga!
"Will you please stop calling me 'Miss Blow Job'? May pangalan ako, okay?"
Nilahad niya ang kamay sa harapan ko. "I'm Tyrone Imperial. And you're?"
Sa sobrang inis ay hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay niya. Sa halip ay inirapan ko lang siya at binalik ang atensyon sa iniinom na alak.
"Ang suplada mo talaga, Miss Blow Job."
"I said stop calling me that." asik ko sa kaniya.
"Hanggang hindi mo binibigay sa akin ang name mo, 'Miss Blow Job' ang itatawag ko sa 'yo." giit niya.
"Maxene." Wala na akong nagawa pa kundi ibigay ang pangalan ko sa kaniya. "Maxene ang pangalan ko, okay?"
"Nice meeting you, Maxene."
Muli niyang nilahad ang isang kamay sa harapan ko ngunit hindi ko ulit iyon tinanggap.