PASADO alas-onse ng umaga nang makarating ako sa Imperial Hotel. Bitbit ang lunchbox at cake na iniwan ni Tyrone kagabi. "Good morning, Faith." nakangiting bati ko sa sekretarya habang naglalakad palapit dito "Good morning, Miss Maxene. Wala po si Sir Tyrone. Kabababa niya lang. May meeting siya ngayon with the Recruitment Team." Nanlumo ako sa sinabi nito. Gustong-gusto ko pa namang makita si Tyrone ng mga sandaling iyon dahil miss na miss ko na siya, at para na rin makabawi sa kasalanan ko sa kaniya kagabi. "Hanggang anong oras ang meeting niya?" "Hindi ko po sure." "Gano'n ba? Hintayin ko na lang siya sa loob." Lumapit na ako sa pinto ng opisina ni Tyrone at hindi na hinintay pa ang approval ni Faith. "Miss Maxene, wait!" tila natatarantang wika nito tapos ay dali-daling lumapit

