"KANINA pa kita hinahanap nandito ka lang pala." agad na wika ni Tyrone nang makarating siya sa smoking area. Inagaw niya sa bibig ko ang sigarilyo at tinapon iyon sa metal trash can. Inirapan ko siya. "Congrats to your engagement. In fairness, bagay kayo ni Valeen. Siguradong makakasundo siya ng daddy mo dahil mukhang mayaman siya." Siningkitan ako ng mga mata ni Tyrone. "Are you jealous?" Lalo akong nainis sa tanong niya. "Yes, I'm f*****g jealous!" hindi ko na napigilang mapasigaw. "Ako ang girlfriend mo pero sa iba ka na-engage? Anong gusto mong maramdaman ko, Tyrone?" "I can't believe that you got caught in that trap. Hindi kami magpapakasal ni Valeen, okay?" "Malinaw ang narinig ko, Tyrone." "Si daddy lang ang may gusto ng kasalang 'yon, Maxene. Governor ang tatay ni Valeen. M

