IMBES na pansinin ang mga komento ni Marie ay nagmadaling lumabas si Reign para harapin si Dexter. Sa pagkakataong ito’y totoo ang ibinalita sa kanya ng kasambahay. Naabutan ni Reign sa labas ng gate nila si Dexter. Hindi siya makapaniwala pero napatingin ito sa kanya at kumaway habang nakangiti. Ramdam ang pagkairita, napilitan siyang labasin ito at kausapin ng harapan para maging malinaw ang lahat. “Anong ginagawa mo rito?” seryosong tanong ni Reign. Hindi siya makapaniwalang pupuntahan pa talaga siya nito. May pinakita namang paperbag si Dexter na may tatak ng isang sikat na cartoon character. “May pinuntahan ako sa malapit kaya naisipan kong idaan itong pinapaabot ng kapatid ko sa mga anak mo,” sagot niya na para bang wala siyang masamang intensyon sa pagpunta. Tuloy ay nakahand

