[G]reco "Shane... P-please... Huwag kang susuko. Fight for me." kahit hinang-hina na ako dahil sa natamo kong sugat ay pinilit ko pa ring magpakatatag para sa kanya. I need to be strong. Kailangan kong palakasin ang loob niya. Agad na dumating ang ambulansya at sinakay dito agad si Shane kasama ako. Kailangan nasa tabi niya lang ako sa ganitong oras. Nakatingin lang ako sa namumungay niyang mata. Gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader sa nagawa kong katangahan. I want to blame myself. Ako ang dahilan kung bakit siya naghihirap ng ganito. Kung naging matapang lang sana ako at nasabi sa parents ang tunay kong nararamdaman para kay Shane, hindi sana lahat ganito. Wala sanang napahamak. Sana ako na lang. Sana ako na lang sng nabugbog at hindi siya. Sana hindi siya nagdudusa ng ganit

