[S]hane "Mahal ko pa rin siya." nanatili akong nakayukong nang sunod-sunod na nagsiliparan ang mga plato sa sahig. Naiiyak ako. Bskit ganito si Gust? "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" napilitin akong umangat ng tingin nang marahas niyang hinila ang ulo ko. Nakapikit lang ako. Natatakot ako sa posibleng makita ko. Mali ba ang naging desisyon ko? "Sabihin mo!!" "N-nasasaktan ako G-Gust." imbes na luwagan niya ang pagkakahawak dito ay mas lalo niya pang hinigpitan ito. Pakiramdam ko mababasag na ang panga ko sa ginawa niya. Isang malakas na sapak ang naramdaman ko dahilan para mahulog ako sa kinauupuan ko. Napahawak ako sa ilong kong may dugo. Nanlalabo na din ang paningin ko. Pinilit ko ang tumayo ngunit isang kamay ang humila sa buhok na ikinasigaw ko. Pilit kong inaalis ang kamay na yun

