[S]hane "Pwede ba kitang ligawan?" Awtomatiko akong napabitaw sa pagkakahawak sa kanya dahilan para mahulog ako sa pagkakahawak niya. Ouch! Ang sakit sa pwet ng pagkakabagsak ko. Napatingin ako kay sir Gust habang natatawang inilalahad ang kamay niya upang tulungan ako. Sino ba namang hindi magugulat kapag narinig mo ang mga katagang yun? Nakakainis naman siya eh. "Be careful." mababakas mo sa mukha niya ang ilang habang hawak ako sa kanang bewang ko upang tulungan akong makatayo. "Does it hurt?" sinsero niyang tanong sa akin. Dahan-dahan niya akong pinaupo sa stool chair. "Okay lang po ako sir." malapad siyang ngumiti at pinaglaruan ang pisngi ko. Haist! Ang sakit nun ah. "Para saan yun?" nagtataka kong tanong. Nakakagulat naman si sir Gust. Bigla-bigla n lang ginagawa ang ganun

