[S]hane "Okay lang po ba kayo master?" tanong ko sa kanya nang pababa siya ng dahan-dahan sa hagdan at nakahawak sa ulo. Totoo nga yung sinabi ni sir Gust na masama ang pakiramdam ni master. Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nilampasan niya lang ako. Ganun ba siya kapag may sakit? Hindi nagsasalita? Sobra naman ata. "Shane!!" napatakbo ako sa kinaroroonan niya nang tawagin ni master ang pangalan ko. Naabutan ko siyang nakatayo sa harap ng bar table habang nakatungkod ang pareho niyang kamay dito. Sa tingin ko may mabigat siyang dinadalang problema ngayon. "Masama po ba ang pakiramdam niyo master?" muling tanong ko dito. Ngunit kagaya rin kanina ay wala din akong natanggap na sagot sa kanya. Mukhang tanga lang tuloy ako ditong kinakausap ang pader. "Ipagluto mo ako ng m

