[S]hane "...Hinding-hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka just to stop your nasty plans to him." bawat katagang narinig kong sinambit ni sir Gust ay lubusang tumatak sa isipan ko ngunit hindi pa rin nawala ang pagkagulo nito sa isipan ko. "Ganun na ba talaga ang tingin mo sa akin simula nang agawin ko sayo ang mahal mo? Gust! I changed a lot just because of him. Hindi na ako ang dating kilala mo. Malayo na sa inaakala mo. I love Shane and it won't change the fact na may gusto rin sya sa akin. I feel it here! And I can't ruin those feelings for me. Hinding-hindi ko kayang saktan ang taong mahal ko." Tama ba yung narinig ko? May gusto sa akin si master? But.. Paano yun nangyari? Buong akala ko wala siyang pagtingin sa akin. Wala sa sarili akong napangiti sa narinig kong pagtatapat

