It was Valentine's day and as usual our student council prepared an event for our school. It was actually fun, because we didn't have classes and all of the students were just all around the campus, playing and joining on different booths. Me and Rimuel were just walking around the campus. Pinagtatawanan lang namin 'yong ginagawa ng iba't ibang taong makikita namin. Ang dami ring sweet lover na magkasama at halos mabanat 'yong mga ngiti nila kakalambingan. Mayroon ding speaker na nagbibigay ng iba't ibang trending love songs na nakaka-hype talaga ng paligid. Ang lakas ding maka-romantic ng red petals na nagkalat sa sahig at mga heart and flower decorations sa mga pader. "Jem tara sa horror booth." Napatingin ako kay Rimuel at agad akong umiling sa idea niya. "Ayoko talaga sa mga gany

