Putangina. Masyadong aggressive ang mga kabayo ngayon sa dibdib ko. Hindi sila magkandamayaw sa pagtakbo matapos ibalita sa 'min ni Wendy na nandito si Jem. Kulang na lang tumalon ang puso ko palabas sa katawan ko at saka magtago dahil may parte rito na gusto ng umurong. Grabe ang kaba ko, s**t. Si Karmina ang sasalubong kay Jem kung saan sasabihin ni Karmina na nasa kwarto ako para dumiretso rito si Jem. Si Wendy naman ang camera man na tiga video habang binabasa ni Jem ang lahat ng madadaanan niyang sticky notes sa hagdan. Oo iyon pa pala, naglagay din ako ng sticky notes sa bawat hakbang ng hagdan kung saan nakasulat ang ilan sa mga nararamdaman ko para sa kanya. Tumingin ako sa relo ko kahit madilim sa kwarto ko at tanging kandila lang ang nagsilbing liwanag dito. Siguro sa mga ora

