Chapter 4

1039 Words
Stefano’s POV  Pagpatay ko ng linya ko, pinuntahan ko na agad si mama. Nadatnan ko siya sa kusina. Kausap naman niya roon ang mga kusinera ko. Napapailing ako kasi tiyak na sasabunin na naman niya ang mga ito. Ayaw niya kasi ng trabaho na hindi malinis o hindi perfect. Actually, ito ang isa sa mga kinakatakutan ng mga kasambahay namin ni Livia dito. Kasi kapag nagpupunta siya rito, itinatama niya talaga ang lahat ng mali. Kaya sigurado akong mahaba-haba ang mga usaping mangyayari sa kusina ngayon. Kawawa naman ang mga kasambahay ko. “Dapat puro fresh. Huwag kayong gumagamit ng mga hindi organic. Lalo na sa pampalasa. Gusto ko, fresh at healthy ang nakakain nila Stefano at Livia. Nang sa ganoon ay maging healthy din ang anak nila sakaling mabuntis na si Livia,” sabi ni mama kaya napapailing na lang ako. Sanay naman sa kaniya ang mga kusinera ko kaya hinahayaan ko na lang. Ganiyan lang naman kasi siya, mukhang masungit magsalita pero mabait naman talaga. At dahil nakita kong busy pa siya, umakyat na lang muna ako sa itaas para puntahan si Livia. Pagpasok ko sa silid namin ay nag-lock ako ng pinto at baka sundan kami dito ni mama. Nadatnan kong tulog pa ang girlfriend ko. Umibabaw ako sa kaniya at saka ako nagtanggal ng mga saplot. Sinubukan ko siyang akitin ng katawan ko para makapag-s*x kami ngayong umaga. Ginising ko siya ng mga halik sa pisngi, leeg, labi, balikat at pati na rin sa mga hita niya. Ilang beses ko siyang hinalikan sa labi para magising siya. Maya maya ay bigla itong nagising at nagalit. “Ano ba, Stefano! Alam mo namang natutulog pa ‘yung tao! Puyat ako ‘di ba?! Nakakainis ka naman!” sigaw niya at saka nagtaklob ng kumot sa mukha niya. Natulala na lang tuloy ako sa sinabi at ginawa niya. Ito ang unang beses na nagalit siya ng ganoon. Inaasahan ko pa naman na kakagat siya sa gusto kong mangyari. Dati kasi, ganoon ang panggising ko sa kaniya. Kulitin ko lang siya sa umaga ay kakagat na agad siya. Siguro nga ay puyat siya kaya hinayaan ko na lang. Kinuha ko na lang ang damit ko at saka ako nagbihis ulit. Hinayaan ko na lang muna siyang matulog at mukhang puyat nga siya kasi mainit ang ulo, e. Sabagay, madaling-araw na nga pala siyang nakauwi kanina galing sa concert niya. Iintindihin ko na lang kasi alam ko ang ganitong pakiramdam. Gaya ko kasi ay isa ring rapper itong si Livia. Pero hindi pa siya gaya ko na sikat na sikat. Siya kasi ay kasalukuyan pa lang sumisikat sa ngayon. I remember when we first met. Livia was one of my fans who also won in my contest. She was the very first fan to win during my showbiz anniversary. Her prize was three days of dating me. She was so lively and incredibly beautiful, and I never expected that she would capture my heart. Hanggang sa hindi ko na siya makalimutan. Ito ay dahil sa bigla niyang pagnakaw ng halik sa akin nang magpaalam na ako sa kaniya. Parang may gayuma ang halik niyang ‘yun kaya hindi ko na siya nakalimutan. Hanggang sa mag-meet na kami palagi. Natutuwa kasi ako sa kaniya dahil halos lahat ng kanta kong rap ay kabisado niya. Isa pa, magaling din siyang mag-rap kaya talagang na-inlove ako sa kaniya. Hanggang sa maging kami na. At nang umabot na kami ng tatlong taon, doon ko na siya inudyukan na pasukin na rin ang showbiz. Nag-compose ako ng kanta para sa kaniya. Nang sa ganoon ay may mailabas agad siyang kanta. Habang binubuo ko ang kanta, unti-unti ko na rin siyang pinapakilala sa mga tao. Gaya na lang nang pag-post ko palagi sa picture naming dalawa sa social media. Kung minsan, nagpo-post din ako ng mga short video niya habang nagra-rap. At doon na rin nag-suggest ang mga fans ko na mag-duet kami. Doon ko na nakuha ang idea na ang unang kanta na ilalabas niya ay ang duet naming dalawa. At boom, pumatok ang unang kanta na nilabas niya kaya sobrang proud ako sa kaniya. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Ngayon, kaya na niyang lumipad sa sarili niyang pakpak. May mga guesting na siya sa TV. Nakaka-duet na rin niya ang iba’t ibang singer at rapper. Nagkakaroon na rin siya ng mga concert. Now that she’s becoming busy, I sometimes think that maybe I shouldn’t have let her enter showbiz. Because now, we have very little time for each other. We rarely get to see each other at home. Kaya nga gusto kong mag-s*x kami ngayon, kaya lang ay mukhang pagod na pagod siya kaya saka na lang muna. Hindi ko kasi siya puwedeng pilitin at baka pati sa akin ay mapagod na rin siya. Hindi puwedeng mangyari ‘yun. Mahal na mahal ko si Livia, kaya mababaliw talaga ako kapag nawala siya sa akin. Palabas na ako sa silid namin nang bigla niya akong tawagin. Agad naman akong lumingon sa kaniya. Pinakita ko na hindi ako nagtampo o nalungkot dahil sa inasta niya. “Babe?” Nahinto tuloy ako sa paglabas. Ngumiti lang ako. “Yes, babe?” tanong ko naman habang malambing pa rin ang boses. “Sorry talaga, I’m just really tired. Let me rest for now muna, ha? You can flirt with me later. Once I regain my energy, I’ll take you on, even if it takes multiple rounds, lalaban ako,” she said, kaya napatango ako at napangiti. “Sige lang, magpahinga ka muna, babe. Mamaya na lang tayo magkabayuhan,” sagot ko kaya natawa naman siya. Paglabas ko sa kuwarto namin ay napangiti na ako. Nawala na agad ang tampo ko sa kaniya. Ganoon kasi si Livia. Kapag nagalit siya, magso-sorry naman agad kaya talagang magtatagal ang relasyon namin. She’s really kind-hearted. I just don’t understand why, despite her kindness, there are still bashers trying to ruin her reputation. They link Livia to other rappers and spread rumors that she’s flirtatious and secretly meeting with a famous p*rnstar. Kahit ano pang paninira nila sa girlfriend ko, wala akong paniniwalaan sa kanila dahil kilalang-kilala ko na si Livia. Maniniwala lang ako kapag ako na mismo ‘yung nakakita sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD